Chapter 48: Amusement Park

11.7K 309 15
                                    



* CHAPTER FORTY EIGHT: AMUSEMENT PARK *

AN: Maraming typo, pasensya na.


Aphrodite Anica Domingo Point of View


Pagkatapos naming kumain dun sa may Chinese cuisine ay nagrequest si Mir na magpunta kaming park na hindi sinang-ayunan ng lahat. Kaya naman nagsuggest ako na sa quantum nalang kami na syempre hindi din sinang-ayunan ng lahat— ay hindi pala lahat dahil ang gwapo kong boyfriend ay sinang-ayunan ako sa gusto ko. Aba't dapat lang no!


" E kung sa amusement park nalang kaya? " pagsa-suggest ng gwapo kong boyfriend.


" Ayoko! " mabilis na sagot ng kakambal ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.


Nagulat nalang kami ng biglang magsalita si Nikki. " A alam ko na! "


" Saan sweetheart? " tanong ng kakambal kong supportive sa girlfriend niya.


" Sa amusement park nalang tayo. " nakangiting sabi nito sa boyfriend na tila excited talagang pumuntang amusement park.


" Tama sweetheart tama! Sa amusement park tayo! Magandang pumunta dun ngayon! " excited din na sabi nito at inakbayan pa ang girlfriend at nauna ng maglakad. " Tara na sweetheart baka tumakbo ang amusement park. "


Nagkatinginan nalang kami ni Zeus at sabay na napailing. Kaninang boyfriend ko ang nag-suggest ang bilis niyang sumagot ng 'Ayoko' pero nung girlfriend na niya nagsabi excited pa siyang um-oo. Talaga nga naman o!


Sinundan na namin yung dalawang magkasintahan na parang mga timang habang naglalakad. Tumingin ako sa boyfriend ko na nakangiting nakatingin sa harap habang akbay-akbay ako. " Hon. " tawag ng pansin ko dito.


Tumingin ito sakin at ngumiti. " Hmm? "


" Talagang sasama tayo sa dalawang yan? " parang batang nagtatampong tanong ko habang nakaturo dun sa dalawang siraulong nauunang maglakad samin.


Tumawa ito ng mahina at pinisil ang ilong ko. " Ang cute mo talaga. " inalis ko naman ang kamay nito.


" Ano ba Zeus! Seryoso ako sasama talaga tayo sa kanila? Akala ko ba tayong dalawa lang? " nagtatampong sabi ko rito. Akala ko naman kasi makakapagsolo na kaming dalawa tapos hindi pa pala. Kasi naman e! Sumingit pa yang dalawang yan. Sinamaan ko ng tingin sina Nikki at Mir na nauunang maglakad samin.


" Hayaan mo na hon dun nalang tayo sa amusement park magsolo. " pagkukumbinsi nito sakin.


Bumuntong hininga ako. Ano pa nga bang magagawa ko. " Sige na nga, basta pagdating ng amusement park hiwalay na tayo sa kanila ha? " tumango nalang siya bilang sagot sakin.


---


" Akala ko ba magsosolo tayo?! " nagpapadyak kong sigaw kay Zeus kasi naman akala ko pagdating dito ng amusement park hiwalay na kami kina Mir at Nikki yun pala hindi. Nakakainis naman kasi tong si Zeus hinahayaan niya lang sumunod ng sumunod samin yung dalawa.

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon