* CHAPTER SIXTY: LAST DANCE *
Mikaella Marquez Point of View
" Ang gwapo ko talaga. " napairap na naman ako sa hindi ko mabilang kung ilang beses na.
" Woooh ang gwapo mo talaga Aki wala kang katulad. " hindi na ko nakatiis at lumapit na ko sa kaniya tapos binigyan ko siya ng malakas na batok sa ulo. Ang yabang-yabang talaga ng lalaking to kahit kailan.
" Aray naman babe! Sinasaktan mo na naman ako. " parang batang sabi niya.
Pinamaywangan ko naman siya. " Paanong hindi ka sasaktan e napakaingay mo at anong gwapong sinasabi mo diyan? Magtigil ka nga Akihiro mahiya ka sa itsura mo. "
" Ang sungit talaga nitong babe ko buti nalang maganda to kung hindi— Aray! " daing niya ng hilain ko yung tenga niya.
" Kung hindi ano Mr. Santiago ano?! " nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
Nakita ko namang napangiwi siya ng hilain ko pa lalo yung tainga niya. " Sorry na babe bati na tayo. " binitawan ko naman agad yung tainga niya na agad niya hinawakan.
" Umayos ka Akihiro baka makatikim ka sakin. "
" Makatikim ng ano— Aww! Opo magpapakabait na po ako. " sabi niya at humarap sa salamin tapos inayos yung suot niyang necktie.
Umupo ako sa upuang nasa tabi niya. " Hindi ka pa ba tapos tingnan yang sarili mo? Malalate na tayo. " tanong ko habang nakatingin sa kaniya mula sa salamin.
Tumingin rin siya sakin tapos kinindatan lang ako ng walang hiya. " Wait lang babe lalagyan ko nalang ng gel yung buhok ko. "
Napairap naman ako sa sinabi niya. Kanina pa siya nandito pero hindi pa rin siya tapos.
Nandito kami ngayon sa bahay sabi niya dito nalang daw siya mag-aayos para daw cool. Takte ano namang cool dun diba?
" Tara na babe. " natapos din sa wakas.
Inalalayan niya ko patayo at naglakad na rin kami. " Kapag tayo late na malilintikan ka sakin tatanggalin ko lahat ng buhok mo. "
Huminto naman siya kaya napahinto din ako. Nakakunot ang noong tiningnan ko siya, ano na naman bang problema ng siraulong to? " Lahat talaga ng buhok ko babe? Kahit yung nandun sa— Ouch! "
" Isa pang kabastusan na sasabihin mo Akihiro mapuputol na yang ulo mo sakin. " nakakainis ang bastos-bastos talaga ng lalaking to.
Hinihimas-himas na naman niya yung ulo niyang binatukan ko. " Grabe ka babe sasabihin ko lang naman kung bati buhok ko sa ilong tatanggalin mo tapos binatukan mo na ko agad. Bad ka! " mapang-akusang sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Pretty VS The Handsome
Teen FictionWhat if magkatagpo-tagpo ang mga kabataang ayaw sa isa't isa o kung baga COMPLETE OPPOSITE ang kanilang mga pag uugali! magkakaroon kaya ng LOVE sa pagitan ng WAR? Story by: VCaynn Remember: Plagiarism is a Crime