Chapter 45: Babe

10.4K 395 44
                                    



* CHAPTER FORTY FIVE: BABE *


Mikaella Marquez Point of View


Pagpasok ko palang ng Academy ay narinig ko na agad ang mga bulong-bulungan ng mga estudyante hindi ko nalang sila pinansin at lumakad lang ng tuwid papuntang classroom. Halos isang linggo rin akong absent simula ng makita ko yung picture na yun.


Hindi rin nila ko ma-contact dahil sira yung phone ko tapos tuwing ime-message nila ko sa facebook agad ko itini-turn off chat para hindi na nila ko i-chat pa. tapos kapag may nagpopost naman sa wall ko inirereport ko agad para hindi ko na makita.


Sa loob ng isang linggo medyo naging payapa naman ako. Oo medyo lang dahil hindi pa rin mawala sa isip ko na nakabuntis si Aki ng ibang babae. Pero may parte parin ng sarili ko na hindi naniniwala kaniya yun. Hindi pwedeng maging kanya yun! At alam kong mahal ako ni Aki hindi niya yun gagawin sakin. 


Pagpasok ko ng room lahat nakatingin sakin pero hindi ko sila pinansin dumiretso ako sa upuan ko. Bago pa man ako umupo tiningnan ko muna yung upuan ni Aki. Napailing nalang ako at naupo na. Nakita ko namang umupo sa tabi ko si Nikki.


Hindi siya mapakali na parang may gusto ata siyang sabihin. " Bakit? " ako na ang unang nagsalita kasi parang hindi rin naman siya makapagsalita.


" Nandito kanina si Aki pero umalis din agad kasi nakita niyang wala ka siguro akala niya hindi ka nanaman papasok. " tuloy-tuloy na sabi nito.


" Wala akong paki sa kaniya. " sabi ko at yumuko nalang sa desk ko narinig ko namang umalis na si Nikki sa tabi ko.


Pagka-alis ni Nikki napakagat nalang ako ng labi feeling ko kasi maiiyak nanaman ako. Hindi ko na talaga kasi alam ang gagawin ko. Alam kong hindi pa kami break pero kasi ang sakit lang na sa tuwing naaalala ko yun parang gusto ko nalang umiyak ng umiyak. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.


Nung marinig kong nandiyan na yung teacher namin agad kong inayos yung sarili ko at nagpanggap na maayos lang ako at wala akong problema. Habang nagtuturo yung teacher namin ng bago daw naming lesson ng biglang pumasok ang taong ayaw ko munang makita.


" Mr. Santiago alam mo naman sigurong late ka? " narinig kong tanong ng teacher namin sa kaniya pero hindi ko siya tiningnan nakatingin lang ako sa librong hawak ko. Alam ko ring ang iba sa mga kaklase ko ay nakatingin na sa akin ngayon.


" Yes ma'am may pinuntahan lang po kasi ako. " sagot naman nito. Pinuntahan? Hindi kaya si Stacey? Malamang! Sino pa ba ang dapat niyang puntahan? Edi yung babaeng naanakan niya.


Kinagat ko ng sobrang diin yung labi ko ng pumasok nanaman yun sa isipan ko. Umiling-iling ako para mawala kahit papano yung iniisip ko tapos lumanghap ako ng maraming hangin para kumalma ako. Pero natigil ako ng maramdaman kong nasa tabi ko na siya.


" Mr. Santiago you can seat now. Masyado ka ng nakakaabala sa klase ko. " agad naman itong sumunod sa sinabi ng teacher namin at naupo na sa tabi ko.

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon