Chapter 42: Louchelle

12.1K 420 33
                                    


* CHAPTER FORTY TWO: LOUCHELLE *

AN: Sa mga nagtatanong kung sino ba talaga si Louchelle eto na po ang sagot. Sana po wag niyo na po kong tanungin uli. At sana maintindihan niyo ang chapter na to kahit magulo. At maraming typo.


Michelle Sebastian Point of View


Nagmamadali akong bumaba ng bus na sinakyan ko at agad na nagpunta sa isang bahay na matagal ko na ring hindi napupuntahan. Nang makarating ako sa harapan ng pinto ay mabalis ko itong kinatok ng tatlong beses. Nang wala pang nagbubukas ay muli ko itong kinatok. Agad namang bumukas ang pinto at nakita ko si Manang Tin ang tagapagbantay ni Louchelle.


" Michelle! Ngayon ka nalang uli nakagawi ditong bata ka. Tara at pumasok ka muna. " sabi ni manang at pinapasok na ko sa bahay. Luminga linga ako sa paligid at nakita kong ganun pa rin naman ang lugar na to. May iilan lang na nagbago.


Binigyan ako ni manang ng isang baso ng tubig. Siguro napansin niyang pagod na pagod ang itsura ko. " Salamat po manang. " sabi ko at nginitian siya bago inumin ang bigay niyang tubig.


" Si Lulu ba ang hanap mo ha iha? " tinanguhan ko naman si manang bilang sagot sa tanong niya.


" Nandoon siya sa itaas. Kanina ka pa nga inaantay ng batang yun. May ipapakita daw kasi siya sayo. " sabi ni manang at tinuro ang nakasarang kwarto ni Louchelle.


" Ganoon po ba manang? Sige po at pupuntahan ko po muna siya. " sabi ko at tumayo na.


Kinuha ni manang ang baso ko at akmang pupunta ng kusina ng harapin niya ko uli. " Ay sige lang iha. Nandoon na rin naman sa loob si Louise. "


Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni manang. " Nandito po si Loui? " tumango naman si manang bilang sagot.


" Kanina pa siyang tanghali dito. Tinanong ko nga siya kung may pasok ba siya ang sabi niya lang sakin ay nag-cutting siya. Nako alam mo naman yang batang yan matigas ang ulo niyan. " pailing-iling pang sabi ni manang.


" Sige po manang puntahan ko lang po sila. "


" Sige iha. " sabi ni manang at pumunta ng kusina.


Naglakad na ko papunta sa kwarto ni Louchelle na nasa ikalawang palapag ng bahay na ito. Habang naglalakad ay hindi mawala sa isip ko kung bakit nandito si Loui? Sabagay wala namang masamang pumunta siya dito. Pero kasi nagtataka lang ako kung anong ginagawa niya ngayon dito at talagang nag-cutting pa siya.


Pagdating ko sa harap ng pinto ni Louchelle ay rinig na rinig ko agad ang tawa niya. 'Ano naman kayang pinagtatawanan nila?' Agad kong dinikit ang tenga ko sa pintuan upang marinig ang pinag-uusapan nilang dalawa. Tumigil naman na sa pagtawa si Louchelle.


" Daddy hindi po ba pupunta dito si mommy? " narinig kong tanong ni Louchelle kay Loui.

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon