* CHAPTER TWENTY NINE: TUTOR *
Michelle Sebastian Point of View
Natatawang nilike ko yung bagong status ni mir sa facebook. Binuksan ko yung messenger ko saka pinindot yung name ni nikki.
Michelle: Hey! Anong mayroon at naaya ka atang makipag-date ni mir? Lumilipad na ba ang mga baboy at di ako nainform?
Haha for sure inis na naman sakin tong babaeng to.
Seen 1:06 pm
Ay grabe talaga tong babaeng to.
Michelle: Hoy! Bawal seen sagutin mo ko. O ipagkakalat ko yung sikreto mo.
Tingnan lang natin kung di ka mag-replay... *TING* See! Hahaha
Nikkita: Hindi kami nagdadate. Assuming lang siya.
Michelle: Talaga lang ah?
Nikkita: Oo nga sabi!
Michelle: Then bakit magkasama kayong dalawa?
Nikkita: Nagpapaturo siya sakin ng math tapos nagpapaturo naman ako sa kaniya ng science.
Nikkita: Ngayon alam mo na tigilan mo na ko pwede di kami makapag-review.
Michelle: Yeah! Sige humayo kayo't magpakarami :) :)
Seen 1:30 pm
Ang boring naman sino ba pwedeng--
" Elle baby baba na! Nandito na yung tutor mo! "
" Yes mom pababa na po. " alam kong nagtataka kayo kung bakit may tutor. Well sabi kasi ni mommy ang baba daw ng history subject ko which is true nakakatamad naman kasing mag-aral pag-history na namin sobrang boring dagdag mo pa yung teacher namin na-- Oh! Nevermind naiinis lang ako pag naaalala ko siya.
Pagbaba ko nakita ko agad si mommy na kausap yung tutor ko sa sala tapos si dad naman nasa tabi nung tutor ko. Sabay na napatingin sakin yung tutor ko at si dad -nakaharap kasi sakin yung pwesto nila si mommy naman nakatalikod- na para bang isa akong batang napakatagal bumaba ng hagdan at naglalaro pa.
Napatingin naman si mommy sa gawi ko. " Oh, baby elle come on ipapakilala kita sa tutor mo. "
" Mom, kilala ko na siya. " sabi ko at naupo sa tabi ni mommy.
" I know pero malay mo gusto mo pa siyang makilala ng husto. " Napatingin naman agad ako sa nanay ko. Nako talaga tong si mommy.
BINABASA MO ANG
The Pretty VS The Handsome
Teen FictionWhat if magkatagpo-tagpo ang mga kabataang ayaw sa isa't isa o kung baga COMPLETE OPPOSITE ang kanilang mga pag uugali! magkakaroon kaya ng LOVE sa pagitan ng WAR? Story by: VCaynn Remember: Plagiarism is a Crime