Chapter 20: Test Paper

13.5K 529 1
                                    

* CHAPTER TWENTY: TEST PAPER *




Mikaella Marquez Point of View




" Hoy! Bilisan mo kasi diyan! Kanina pa ko tinitext ni nikki kung nasaan na daw tayo! " sigaw ko kay aki.




" Saglit lang naman! Ikaw nalang kaya magsagot nito " sabi niya sabay abot sakin ng test paper na sinasagutan niya.




"Aray! Masakit yun ah! " daing niya dahil hinampas ko yung kamay niya.




" Hmp! Kasalanan mo yan! Sagutan mo yan at paki-bilisan pwede kasi ibibigay ko pa kay Ma'am Agnes yang test paper " sabi ko sa kaniya habang pinagmamadali siyang mag sagot dun sa test paper na hawak niya.




" Kung tinutulungan mo kasi ako dito edi sana tapos na ko— Aray! Kanina ka pa ah! Nakakadalawa ka na sakin! "sabi niya pero inirapan ko lang siya.




" Bilisan mo na mag sagot diyan wag ka ng dumaldal. Saka kung iniisip mong tutulungan kita. Pwes! Mr. Santiago. Dream On! " sabi ko saka umupo dun sa upuan sa may harapan niya.




Kanina kasi binigyan kami ni Ma'am Agnes ng test sa Science. Tapos dahil ako ang unang natapos sinabihan niya kong ako na daw ang mangolekta ng mga papel. Ang kaso nga lang itong lalaking to sa harap ko ay di pa rin tapos hanggang ngayon. Di ko ba alam. Siguro lumaking bobo lang talaga tong si aki.




" Ayoko na! Di ko na kaya! Sasabog na utak ko! " pagsisigaw ni aki habang pinagsasabunutan yung sarili dahil sa galit.




" Hoy! Tumigil ka nga diyan sagutan mo na yan! Dami mo pang arte! "




" Di ko na talaga kaya babe sumasakit na yung ulo ko sa mga pesteng formula na yan!— Aray naman! Nakakatatlo ka na sakin ah! " sabi niya habang hinihimas yung braso niyang hinampas ko.




" Tigil-tigilan mo yang katatawag ng babe sakin! "




" Ha? Bakit naman? " nagtatakang tanong niya sakin.

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon