Chapter 19

1.3K 67 20
                                    

Chapter 19

Hindi ko alam na magiging mas malapit pa pala kami ni Kuya Ice sa isa't-isa ngayong hindi na ako sa kanila nakatira.

He didn't fail to be with me during weekends at pakiramdam ko ay tuluyan na nga akong nasanay kaya nang isang Sabado at hindi siya nakapunta sa bahay ay parang wala akong gana sa lahat.

He's busy, he needs to attend a seminar for work. Naiintindihan ko naman 'yon kaya hindi na rin ako umasa pang magkakausap kami buong araw. And as usual, I'm left alone at home.

Palaging may basketball game si Kuya Fire, he's part of the varsity team at the university, kasama si Kuya Ken. Larry and Faye always hangs out too, but for today, they went with Kuya Fire to watch their game. Isinasama nila ako pero hindi ko naman hilig manood ng ganoon at alam kong walang maghahatid sa akin kung biglang gusto kong umuwi.

I spent the whole morning watering the plants at their garden because I'm bored. Miraculously, I don't have homeworks, at madalas kasi ay ginagawa ko agad kung mayroon para maging libre ang oras ko kapag weekends.

Kapag nandito si Kuya Ice ay nanonood lang kami ng movies at kumakain. Umuuwi rin siya bago magdinner. Now I wonder, anong oras kaya matatapos ang seminar nila? He told me it's gonna be whole day so I'm not expecting to see him today.

Nang natapos sa garden ay hindi ko na alam ang gagawin ko. In the end, I decided to bake. Hindi ako marunong but I can watch video tutorials and search the internet for help. Ganoon nga ang ginawa ko. Pagkatapos maligo at maglunch ay nanood ako ng video kung paano gumawa ng banana cake.

Nang natapos manood ay hinanap ko isa-isa ang mga kailangan. Thankfully, kumpleto ang mga ingredients.

I started mashing some bananas in a bowl. Ginagawa ko iyon habang pinapanood ang tutorial. I followed the procedures and realized that it's pretty easy. Tuwang-tuwa tuloy ako sa ginagawa ko.

I also had to watch a tutorial on how to use the oven. Nang nilagay ko na ang banana cake sa loob ay sobrang excited ako sa kalalabasan nito. Halos hindi na ako umalis sa harap ng oven kakahintay. At nang natapos ay tuwang-tuwa ako at excited na tikman iyon, only to get disappointed at the taste.

Napangiwi ako dahil hindi ko nagustuhan ang lasa. Maybe I put too much flour because it's too dry.

Itinabi ko iyon at sinubukan ko ulit gumawa ng bago. Hindi ako nawalan ng pag-asa, hindi naman talaga successful ang lahat sa umpisa. On the second time, I made sure I followed the procedures carefully pero halos maiyak ako nang ang pangalawang cake ay mukhang kinulang naman ng flour.

Huminga ako ng malalim at sumubok sa pangatlo. Sa kagustuhan kong makagawa ng maayos na cake ay hindi ako tumigil at natauhan lang ako nang napaso na sa cake tin nang hinawakan ko iyon nang walang gloves.

Sa pinaghalong frustration sa mga pumalpak na cake at dahil na rin sa sakit ng pagkapaso ay naiyak na ako.

Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa at pinilit ang sariling kumalma. I don't usually cry when I fail on this kind of things, I don't know why I'm so emotional today.

Napatingin ako sa paligid at lalo lang akong naiyak nang narealize na mag-isa ako at maghapon na pala akong nandito sa kusina.

Tumayo ako at magsisimula na sanang maglinis ng mga kalat nang tumunog ang cellphone ko. Parang lalo akong maiiyak nang nakita ang pangalan ni Kuya Ice sa screen. I realized I'm really too emotional and it's crazy.

Sinagot ko ang tawag pero hindi ako makapagsalita. I'm scared he'll hear me crying because of a pointless reason.

"Hey baby.." his voice sounds a bit jolly.

Blue Flame (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon