Chapter 29

1.3K 74 42
                                    

Chapter 29

Because of what happened, Kuya Fifth hired two more bodyguards for me. Pinagbawalan niya na rin akong umalis mag-isa, kahit pa may bodyguards, most especially, I am not allowed to go to public and crowded places.

Noong una ay hindi ko naman ramdam ang paghihigpit na iyon, not until our parents told me that I should go back to Canada after Ate Larry's wedding, lalo na't bakasyon naman.

I was hesitant at first but when Ice told me he's coming with me, I ended up agreeing to it. Kahit na hindi ko alam kung bakit masyadong naging big deal ang nangyaring iyon sa pamilya ko.

If it's just someone who knows my family and just someone who wants money from us, marami pang ibang taong ganoon ang intensyon bukod sa lalaking iyon hindi ba? Hindi ko naiintindihan kung bakit parang life and death situation ang nangyaring iyon.

Hindi ko na rin naman iyon masyadong naisip dahil nang nasa Canada ay nasulit ko rin naman ang bakasyon ko. I was with Ice and we visited a lot of places, minsan kasama sila Mommy pero madalas ay kami lang dalawa ni Ice.

Naiwan si Kuya Fifth sa Pilipinas dahil nagka-problema si Ate Nica, she needed to stay out of the industry for a while and she left for Pampanga. Hindi na ako nagulat nang nalaman na nandoon si Kuya. At lalong hindi ko na ikinagulat nang pag-uwi namin para sa araw ng opening ng branch ng Fiasco sa Pampanga ay nalaman kong sila na ni Kuya.

Hindi matanggal ang ngisi ko habang nasa hotel at naghihintay ng oras kasama si Ate Nica. Iniwan kami ni Kuya at ni Ice at buong araw yata kaming nagkwentuhan lang. I still can't believe it but I realized that Kuya might have liked her since the first time they met, at naalala ko ang mga panunukso ni Kuya Ace sa kaniya, ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat.

"Stop grinning, you're creepy!" Ate Nica retorted.

Tumawa ako at nagpatuloy na sa pagbibihis. I'm wearing a simple temperament black dress and stiletto. Nag-ayos talaga ako dahil bukod sa opening ito ng Fiasco ay magkakaroon din ako ulit ng chance makapag-club.

Isang katok sa pintuan at narinig ko agad ang boses ni Ice sa labas, "Are you two done?"

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. I smiled at him. "Hi! I'm done."

He smiled too, tinignan niya pa muna ang suot ko at nang bumagsak ang mga mata sa suot kong black stiletto ay huminga siya ng malalim.

I chuckled, "This is the same stiletto that I used back on Ate Larry's wedding."

He sighed and nodded. Tinignan niya si Ate Nica sa likuran ko kaya napatingin na rin ako.

"Fifth wants you to stay with us, mauuna na siya sa club dahil marami nang bisita."

Ate Nicaseane nodded and grinned at us, "Yeah, he already texted me. Hindi ba ako makakaistorbo sa inyo?"

Ice smirked, "Just a bit."

Nilingon ko si Ice at sinimangutan. He chuckled and pinched my cheek a bit.

Hinintay lang namin matapos sa pag-aayos si Ate Nica at umalis na rin kami patungo sa club. Malapit lang naman iyon sa hotel kung saan kami naka-checkin kaya mabilis lang din kaming nakarating.

Marami na ngang tao. I spotted Golden Strings in the club too, mostly with their girls, the Altamiranos are there too, sila ang una naming nilapitan.

"Oh nakauwi na pala kayo," Kuya Ace smiled at me.

Tumango ako at ngumiti. Lalapit sana ako para yumakap pero hindi binitiwan ni Ice ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya, pinagtaasan niya ako ng kilay.

Blue Flame (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon