Chapter 31

1.4K 75 23
                                    

Guys kumalma kayo, nagiging detective na kayo hahahahaha. Happy reading :)

Chapter 31

I was right that Ice won't just stop like that. He may not be bugging me, pero kung araw-araw siyang nasa bahay, tahimik na nanonood sa akin, paano ko mapapangatawanan ang desisyon ko?

I would find him reading a newspaper in the living room every morning, tuwing bababa ako sa hagdanan ay siya ang unang-una kong nakikita. Kapag lunch ay nasa lounger siya malapit sa pool, wearing his shades and sleeping. Sa gabi ay nasa sala ulit. So much for trying to avoid him when I think he's already living here. And so much for believing Kuya Fifth that he will help me with this.

He's suddenly so workaholic to the point that I don't see him in our house anymore. Hindi ko alam kung anong oras siya umuuwi at umaalis dahil buong araw nalang yata akong nagtatago sa kwarto ko. And I heard from Ate Nica that they broke up. Hindi ko alam ang dahilan at pareho ko lang silang hindi makausap ng maayos.

"Come on Coleen, susunduin ka ni Calvin."

I sighed.

Sherisse has been convincing me to join them on a night out again. Birthday ng isa sa mga kaibigan niya at iniimbita nila kami ni Calvin sa isang club.

I want to join them but I don't know how to tell Kuya Fifth especially now that I don't see him often at home, at kapag nakikita ko pa ay laging mukhang galit.

"Susubukan kong magpaalam kay Kuya mamaya," though I'm not really sure if I will see Kuya later.

"Hindi kaba pwedeng tumakas? We can bring you home early.."

Napaisip ako. I'm kinda bored here, three weeks na akong nagkukulong dito sa bahay at hindi pwedeng lumabas kung walang kasama dahil sa nangyari noong nakaraan. At kung lalabas ako, sino namang kasama ko? Lagi si Ice dito sa bahay pero hindi ko siya kinakausap. He doesn't talk to me too, pero lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin.

I sighed once more. Sherisse's suggestion is inviting but.. if my brother finds out about it I'm sure I'll be scolded. At si Ice, baka sundan ako noon.

Sherisse chuckled on the other line, "Hindi sasama si Calvin kung wala ka kaya sumama kana!"

Kumunot ang noo ko, "Huh? Bakit naman?"

Lalo itong natawa, "Why don't you ask him?"

Dahil doon ay lalo akong na-guilty kung hindi makakasama. Sherisse and her friends are expecting me too. Buong araw ko tuloy inisip kung paano makakatakas nang walang nakakaalam.

Hapon nang wala sa sarili akong bumaba sa kusina para magpahanda sana ng meryenda sa maid. Huli na ang lahat nang narealize ko na nandoon din si Ice at wala akong makitang kasambahay.

I sighed and decided to prepare my own food. Nagugutom na ako, at hindi naman pwedeng ako ang laging iiwas sa kaniya sa sarili naming pamamahay. Why is he even here everyday? Wala ba siyang trabaho?

Parang may light bulb na umilaw sa isip ko nang naalalang baka wala naman siya dito kapag gabi dahil sigurado akong nasa Fiasco siya. And Kuya is surely at Fiasco every night too! Nagkaroon ako ng pag-asang makakatakas nga ako.

Kumuha ako ng mga ilalagay ko sa clubhouse sandwich na balak kong gawin. Nang kukunin ko na ang kutsilyo para makapag-slice ng tomato ay halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Ice sa tabi ko.

Blue Flame (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon