Chapter 16

1.4K 66 9
                                    

Chapter 16

I've never been this happy my whole life. Maraming wish ko na ang natupad mula noong bata pa ako, pero bukod sa pagtupad ni Mommy sa kagustuhan kong tumira dito sa Pilipinas, ay ang mga nangyari ngayong araw na ito ang pinaka hindi ko makakalimutan.

Isang oras lang ang itinagal namin sa yate at nakarating din kami sa private island ng mga Altamirano. We rested a bit for lunch and after that, we already prepared for a sightseeing to the nearest beaches.

The yacht stopped not too far from San Juan beach. Mula doon ay lumipat kami sa mas maliit na bangka dahil hindi na pwedeng ilapit pa ang yate.

I found out that the siblings like to surf and this is the best spot according to them. Kaya nang nasa beach na nga kami at nakatapak na sa buhangin ay nakita ko kaagad ang pagsakay ni Kuya Ace at Kuya Rivers sa dala nilang surfing board. I watched them in amazement.

Tita Glacier and Tito Duke are now both sunbathing at the loungers. I saw them order some drinks from the beachfront restaurant. Nakita ko rin si Heather na nagtatali ng buhok at mukhang magsusurf na rin.

"Do you want to try? I can teach you." Kuya Ice said beside me.

Tinignan ko siya at nginitian. I'm not used to swimming on beaches so I'm a bit scared but I want to try it too.

"I don't have a surfboard," I said.

He smiled and showed me his white surfboard, "You can use mine."

"How about you?"

"Pwede akong mag-rent ng surfboard dito,"

I looked around and noticed that there really is a place where he can rent one. Binalikan ko siya ng tingin. "Ako nalang ang magrerent, the board is yours anyway."

But then he shook his head, "No baby, you're gonna use my surfboard."

"Uhm okay.." I smiled at him.

Ngumiti rin siya at bahagyang pinisil ang pisngi ko.

"You reflect the sun when you're smiling, it's very radiant." He chuckled.

Natawa rin ako habang nakatingin sa kaniya.

He's so handsome. Magulo ang buhok niya dahil sa hangin pero mas lalo lang yata siyang gumwapo dahil doon. He's wearing a black sleeveless shirt and a sunglasses, it showed how white his skin. Maputi siya at lalo lang nangibabaw iyon sa ilalim ng araw. He looks radiant too, kita iyon sa paraan ng pagtingin sa kaniya ng mga babaeng nasa malapit lang.

"Let's go, I'll teach you first." Inabot niya ang isang kamay sa akin kaya inabot ko rin ang kamay ko.

Sabay kaming naglakad patungo sa tubig. Nang nasa malapit na ay tumigil siya at ibinaba ang surfboard. Nagulat ako nang tinanggal niya ang suot niyang sleeveless shirt at lumantad kaagad ang matipuno niyang katawan. I gasped but I was thankful that the waves are louder so he can't hear me.

He removed his sunglasses too. Inilapag niya iyon sa buhangin kasama ang kaniyang damit at tsinelas. He looked at me when he's done.

Napakurap tuloy ako. He caught me staring, nakakahiya!

Nangapa ako agad ng sasabihin kahit pa nakita ko na siyang ngumiti. In the end, I remembered to remove my strappy sandals. Pero bago pa ako makayuko ay naunahan niya na ako. He knelt down infront of me to remove it.

My heart is already beating loud and crazy. Lalo nang hinawakan niya ang paa ko para maalis ang sandals sa left feet. Bahagya akong nakiliti at na-out of balance kaya napayuko ako at napahawak sa kaniyang balikat.

Blue Flame (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon