Chapter 30
Kuya had to leave the club to bring me and Ate Nica back to the hotel. Pilit nila akong tinatanong kung ano ang nangyari pero hindi ko iyon masabi.
I don't know why I can't tell them. Siguro ayaw ko lang magkagulo, I'm sure Kuya's gonna be really angry at Ice, lalo't kaming dalawa ni Asha ang involve.
Nang naihatid kami sa hotel ay umalis din agad si Kuya, siguro para si Asha naman ang hanapin. Pagod at halos tulala ako nang naupo sa kama. I can feel Ate Nica's concern through her stares but I don't think I can open up yet. Namamanhid yata ako. Mabuti nalang at hinayaan niya lang din naman ako.
Naligo ako at nagbihis. Nang natapos ay nadatnan kong tulog na si Ate Nica, pagod din siguro.
Umupo ako sa kama at narealize na kahit pagod na pagod ako ay hindi pa rin ako inaantok. Hinanap ko ang cellphone sa bag ko at hindi na ako nagulat nang nakita ang mga message at missed calls ni Ice sa akin. Wala akong binuksan kahit isa sa mga messages niya, I deleted the whole conversation instead, kasama ang mga dati pa naming palitan ng text.
I hate him, I just really hate him.
Ilang beses pang nag-ring ang cellphone ko dahil sa tawag niya, sa iritasyon ko ay blinock ko na ang number niya. I blocked him in all of my social media accounts too. I won't talk to him, kahit anong gawin niya, I won't listen to his lies anymore.
Humiga ako at sumubok na matulog, pero tuwing pumipikit ay nakikita ko ang itsura nila ni Asha sa restroom. I can't describe the betrayal and pain I'm feeling, hindi ako makahinga.
In the end, I decided to go out for a fresh air. I heard there's an infinity pool at the top of this building, iyon ang pinuntahan ko.
It's two in the morning but there's still a lot of people, lalo't may bar din pala sa top floor. Maraming foreigners, most of them are with Filipino women. I sighed, napaisip ako kung safe ba lalo't ako lang mag-isa, I don't want to encounter drunk men out here.
Nang nakitang wala naman masyadong tao sa mga loungers sa infinity pool ay tumuloy nalang din ako. The cold breeze of air immediately welcomed me. Summer naman pero dahil matayog ang building at madaling araw na ay malamig talaga ang hangin.
Niyakap ko ang sarili nang nakaupo na sa isa sa mga loungers. I'm only wearing a satin sleepwear in shorts, hindi na ako nag-abalang mag-jacket dahil sanay din naman ako sa lamig.
I looked at the view infront of me and saw the busy citylights even at this hour. Maliwanag ang siyudad at aktibo kahit madaling araw. The moon and all the stars are visible too, it made the view really beautiful, I wish I'm good as this.
Niyakap ko ang mga tuhod ko habang pinagsasawa ang mga mata sa tanawin. I don't get to see this kind of view everyday and like what I expected, it calmed me.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako doon nang dinapuan na ng antok. I decided to go back to our hotel room so I can sleep. Hindi ko pa alam kung anong gagawin namin bukas, at naalala kong si Ice ang kasama kong pumunta dito. I will need to talk to Kuya to tell him I'll come with him and Ate Nica. Hindi na bale kung hindi pa sila uuwi ng Manila, huwag lang nila akong ibilin kay Ice.
Bumukas ang elevator at nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung sino ang naghihintay sa harap ng hotel room namin. Malapit lang iyon sa elevator kaya nakita niya rin ako agad. He stood up straight and started to walk towards me immediately.
Hindi ko naman alam ang gagawin kaya sa halip na lumabas ng elevator ay pinindot ko ang ground floor. Ilang beses ko iyong pinindot para lang sumara agad pero napigilan iyon ni Ice. Napaatras ako sa pinakasulok ng elevator nang pumasok siya.
BINABASA MO ANG
Blue Flame (Completed)
Romance"An ordinary flame can't burn me, but you, a blue flame can." - Ice Altamirano