Chapter 46

1.4K 77 31
                                    

Chapter 46

It was hard for me to sleep in a tight place, at lalo pa dahil mainit. Walang aircon o kahit electric fan man lang sa kwarto ko kaya naman nahirapan akong matulog at inabot na ako ng madaling araw.

Nang nag-umaga naman ay lalo kong naramdaman ang init dahil ang sikat ng araw ay tumatama mismo sa kwarto. Nagising akong naliligo sa pawis.

I sighed when I got out of bed. This is so hard for me but I have to get used to it. Hindi ko lang inakalang ganito pala talaga kahirap ang buhay ng ibang tao. I was too sheltered my whole life when I should have been here. I wonder where I am now if I grew up with this family.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Tita Carol na nagluluto. The place is so small that the smell of the food just circulates around the house. Sumulyap siya sa akin.

I tried to smile a bit, "Good morning po."

She only nodded before resuming. Huminga ako ng malalim at dumiretso naman sa bathroom para mag-hilamos at mag-toothbrush. And ofcourse, like last night, I had to get some water outside the house.

Dahil umaga ay mas nakita ko nang maayos ang paligid. It's eight in the morning and the people outside are really active. Kahit kagabi ay ganoon ang eksena, parang palaging maraming tao.

Everyone started looking at me. Ang bakuran kasi kung nasaan ang poso ay natatanaw lang ng mga kapitbahay. Nahiya tuloy ako at nagmadali nalang sa pagkuha ng tubig.

Nag-hilamos ako at nag-toothbrush nang nakabalik sa loob. Paglabas ko ng bathroom ay naroon na rin si Reniella at mukhang bagong gising. She only looked at me lazily before sitting infront of the dining table.

"Maupo kana rin dito, sabay-sabay na tayong mag-almusal." Tita Carol said.

Tumango ako at lumapit. Tinignan ko ang mga pagkain at kanin at itlog lang naman ang pamilyar sa akin. There's some weird fish that has a really strong smell and I don't think I've seen something like this before.

I saw Tita Carol watching me and I immediately started putting food on my plate. Ayokong isipin niyang maarte ako.

"Kumakain kaba niyan?" Tanong nito nang nakitang naglagay ako ng maliit na isda sa pinggan ko.

"Uhm.. I haven't tried one before.."

I saw Reniella rolling her eyes on me. Pinanood ko siyang kumuha ng pagkain at nang nakitang kamay ang gamit niya sa pagkain ay naalala kong nasubukan ko na rin iyon noon.

She caught me watching her and her eyebrows shot up, "Tinitingin-tingin mo? Kung ayaw mo ng pagkain huwag kang kumain."

"Reniella.." saway ni Tita Carol.

"Ang arte.." bulong nito.

Napalunok ako at nag-iwas nalang ng tingin. Nagsimula na rin akong kumain at nagustuhan ko naman ang pagkain. Nahirapan lang ako sa maliit na isda dahil mahirap iyong gamitan ng spoon and fork.

"Hija.. mas madali kung kakamayin mo ang tuyo.." Tita Carol said after she noticed my struggle.

Nahihiya akong tumango at sumunod. Nahirapan ako sa una pero pinilit kong gawin iyon nang sa ganoon ay maging kumportable kahit paano ang mga kasama ko. Thankfully, natapos akong kumain at nabusog kahit paano.

Tinulungan ko si Tita Carol sa pagliligpit kahit sinabi niyang kaya niya naman mag-isa. Nahihiya kasi ako dahil baka may masabi nanaman si Reniella. We're cousins and I want us to atleast get close to each other, or even just talk in a friendly manner. I'm hoping we can be friends once I get used to their life here.

Blue Flame (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon