---"ANONG SINASABI MO?"
Malakas na sigaw ni Architect santos ang bumalot sa apat na sulok nang kanyang opisina. Hindi nabago ang seryoso kong ekspresyon nang ibato niya sa harapan ko ang papers na nasa ibabaw ng kanyang lamesa , habang siya ay galit na galit ako naman ay nakatitig lamang sa kanya.
"Umalis ka ngayon din , sessai. Hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig mo! Masiyadong mabaho ang lumalabas na salita mula sa bibig mo! LUMAYAS KA!"
Nginisian ko siya ng nakakaloko.
"Nag toothbrush ako kanina bago umalis nang bahay , architect santos."
Lalo siyang namula sa galit at handa na sana akong sugudin ng pigilan siya sa braso ni ate loyda na hindi makatingin sa akin nang diretso.
"Bitawan mo ako , loyda."
"Madam! Tama na po!"
"Anong tama na? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sigurado naman akong malinaw sa tenga mo ang sinabi nang probinsyanang ito , diba? Tapos ganyan lang ang reaksyon mo? Baliw ka ba? Nahihibang ka ba?" Matalim kong tinitigan si ate loyda na tumingin sa akin saglit at muling tinignan ang amo niya.
"Deserve natin yun madam!"
"Anong deserve? Hindi natin deserve ang makulong , loyda. Tanga ka!"
Yumuko si ate loyda nang itulak siya ni Architect santos at muli akong hinarap.
"Wala kang ebidensya sessai! Dalawang taon na ang nakakalipas ngunit babalik ka para sabihin sa akin na kinukuha mo na ang kompanya? Tanga ka talaga! Kahit kelan ay hindi ka gumagamit nang utak! Ano ba ang kompanya para sayo? Laruan na pinahiram mo lang at babawiin mo lang kung kelan mo gusto? Tanga ka palang talaga!" Natawa ako sa narinig ko mula sa kanya. Iyun lalo ang nagpainit nang ulo niya kaya kuyom na kuyom na ang kanyang kamao dahil sa galit. Nakakatuwa siyang pagmasdan!
"Wala na akong dapat bawiin , architect"
"Talagang wala!"
"Yes! Wala talaga!" Nakangiti kong sabi sa kanya. "..dahil simula pa lang naman ay AKIN ANG LAHAT NG ITO!" Sumugod siya sa akin at sasampalin na sana ako nang mahuli ko ang kamay niya at ginamit ko mismo ang kamay niya para sampalin mismo ang sarili niya , ikinagulat niya iyun. "..masakit ba , architect? Masakit ba masampal nang sarili mong palad? Masakit ba na dahil sa mismong SARILI MO at MALI mong desisyon ay unti-unti kang lumulubog? Masakit ba?" Napailing ako at napatawa. "..kung makikita mo lang ang sarili mo ngayon? Maaawa ka! Nakakaawa! Sobrang nakakaawa!" Nang-aasar na sabi ko pa sa kanya. Muli sana siyang lalapit sa akin pero napigilan siya agad ni Maja at itinulak siya palayo.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO!"
"Nasa akin ang lahat ng records at files nang pera na pumapasok sa account ni ate loyda noong hawak ko pa ang kompanya! May hawak din ako nang records nang pag-uusap niyo ni Ate loyda sa restaurant noon!" Natigilan sila pareho. "..kung saan ko nahanap? Wala ka na dun!" Nanlaki ang mata nila sa gulat at hindi na nakapagsalita.
Tinignan ko si Maja at tinanguan siya , tumango naman siya at binuksan ang pinto nang opisina at duon pumasok si Kuya zac kasama si Zherlyn at Engineer Jairo Perez. May kasama silang mga pulis na kanina pa naghihintay sa labas.
"Anong....."
"Magkita tayo muli sa korte , architect santos." Nakangiti kong sabi dahilan para hindi niya matapos ang sasabihin niya.
Susugudin na sana niya ako ulit ngunit naging mabilis ang pagkilos ni kuya zac upang depensahan ako. Lumapit naman sa kanya ang pulis at ipinosas ang mga kamay niya ganoon din si ate loyda. Nagpumiglas pa siya ngunit hindi na siya nakapalag dahil dalawang pulis ang nakahawak sa kanya. Si ate loyda naman ay nanatiling nakayuko at hindi makatingin sa amin nang diretso. Ngunit hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagpatak ng mga luha niya sa sahig habang nakayuko.