EPILOGUE

323 15 34
                                    


-------

PRIO

"Sabi nila maiku-kumpara mo daw ang buhay nang isang tao sa kandila , hindi ba't natutunaw ang kandila nang paunti-unti habang tumatagal at namamatay ang apoy. Ang buhay nang tao ay may katapusan anak. Hanggat buhay ka mananatili ang liwanag sa paligid mo at hinding-hindi ka malalapitan nang kadiliman dahil sa liwanag na meron ka. Ang apoy nang kandila ang nagsisilbing liwanag mo at kung dumating man ang oras nang pagkawala mo , mawawala ang apoy na meron ka at unti-unti kang babalutin nang dilim. Hanggat buhay ka at merong pag-asa na ibinibigay sayo ang panginoon , gawin mo kung anung gusto mo. Gawin mo yung mga bagay na magpapasaya sayo nang hindi nakakasakit nang ibang tao , hindi mo kasi alam kung hanggang kelan lang ang buhay mo anak ko kaya hanggat buhay ka at may pag-asa pa piliin mo ang maging masaya palage!"

"Para pong kay tito dada?"

"Yes anak."

"The purpose of life is to be happy?"

"Akala ko ay hindi mo maiintindihan ang sinasabi ko anak."

"Nabasa ko po yun sa books ni daddy , ang sabi po duon always choose to be happy!"

"Piliin mo palage ang maging masaya kahit marami kang problema at maraming pagsubok ang ibinibigay sayo ni papa god kaya kahit anung pagsubok ang ibinibigay sa amin nang daddy mo noon o malaking problema man yun? Kinaya namin kasi palage kaming magkasangga at nginigitian lang namin lahat kahit mahirap na ang sitwasyon. Nanduon yung saya kahit mahirap na."

"Life is not perfect , right mommy?"

"Opo! if life was perfect or everything was perfect , you would never learn and you would never grow , baby!"

"What is life for you mommy?"

"Why did you ask baby , hmm?"

"I want to know po!"

"Life is about living your dreams , yung nasa kamay mo mismo ang takbo nang buhay mo at wala sa ibang tao. It's about making your family proud and syempre make yourself proud too. Yung tatakbo na din ang buhay mo sa mga taong nasa paligid mo at makikita mo din kung anung meron sa kanila , yung meron kang lakas para harapin lahat nang problema o pagsubok para sa mga taong mahal mo at nasa paligid mo. It's about asking god for help and strenght para makaya mo ang lahat. Life is full of opportunity , always admire the beauty of your life. it's full of challenges and full of promises and you need to fulfill it. Life is like a song baby, you need to sing it. Parang kanta na may simula at wakas , masaya at malungkot , puno nang pag-asa at pagluha o kaya'y galit at pagkamuhi. Life is too precious prio , don't dare to destroy it. Life is life baby, fight for it!"

Hindi ko nakakalimutan ang usapan naming iyun ni mommy noon. Tumatak iyun sa utak ko , hindi nawala sa isipan ko ang meaning nang buhay para kay mommy. Because of her , parang namulat ako agad sa reyalidad na hindi perpekto ang buhay. Hindi palageng masaya , hindi palageng kinikilig ka o matutuwa ka dahil nanduon ang takot , lungkot , sakit at galit.

Bata pa lamang ako pero iminulat na niya ako sa mundong kinatatayuan ko. Pinakilala niya agad sa akin ang mundong kalaban mo sa takbo ng buhay mo.

"Teka lang!" Kumunot ang noo ko dahil sa pagtulak ni janna sa akin at binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"What now , janna?" Ngumiwi siya at tinarayan na naman ako na madalas niyang ginagawa sa akin.

"Kinakabahan ako sayo ay! Baka kasi magupit mo ang laman!" Sabi niya.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na magpahaba ka ng kuko?" Sermon ko.

"Wow! Diba sabi ko naman sayo , naging busy ako sa M-Cupcakes nitong bakasyon kaya nakalimutan ko na ang mag-gupit ng kuko." Depensa niya pa.

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon