-------FLOR
"Kain ka na!" Naglalambing na sabi ko kay prio na tahimik lamang sa tabi nang kabaong ni sessai. "..ilang araw ka nang walang maayos na kain , anak. Pati sila ate hailey ay nag-aalala na sayo!" Sabi ko at hinawi ang bagsak niyang buhok gamit ang kamay ko. "..hindi magugustuhan nang mommy mo na nagpapalipas ka ng pagkain!" Dagdag ko ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.
Nanatili siyang nakayuko habang nilalaro ang sariling daliri. Kahit isa sa amin ay wala siyang kinakausap. Si ate sally ay palage siyang dinadalhan nang pagkain at ipinagluluto ngunit hindi niya iyun kinakain. Ang kinakausap niya lamang ay si janna at si clio pero maliban pa sa dalawang bata ay wala na siyang kinakausap. Kumakain lamang siya kapag kasabay niya si janna ngunit hindi sapat ang kinakain niya para mabusog siya. Pinaka-madami na ang dalawa o tatlong subo nang pagkain tapos ay wala na.
Mabilis na bumagsak ang katawan ni prio. Namumutla ang kanyang balat at namamaga ang mata dahil hindi na siya natutulog. Simula nang dumating si sessai dito at i-iburol ay hindi ko pa siya nakitang umiyak kaya mas lalo kaming nag-aalala.
"Lika na anak! Kain ka na!"
Umiling siya at 'di manlang natinag sa pwesto niya.
"Pumapayat ka na prio. Hindi ka na kasi kumakain ng maayos.." Gustuhin ko man na sermunan siya ay 'di ko magawa dahil alam kong nasasaktan siya. "..kumain ka anak , kahit konti basta malamanan lang ang sikmura mo." Sabi ko pa at ngumiti.
"I'm full.."
"Paano ka nabusog eh hindi ka pa kumakain.." Nanghihina na sabi ko.
Nakagat ko ang ibaba kong labi nang mag angat siya nang tingin sa akin. Walang buhay ang mga mata niya , bagsak na bagsak at tila ba pagod siyang sobra.
"Alam po ba ni daddy na wala na si mommy?"
"Oo!"
"Pero bakit wala siya dito?"
"H-hindi ko....alam!"
"Hindi niya na talaga kami mahal!"
Tumayo siya at tumakbo paakyat nang kwarto niya. Lahat kami ay napatingin duon nang padarag niyang isinara ang pinto nang kanyang kwarto. Bumuntong hininga ako , hindi ko na alam kung paano ko kakausapin si prio. Masiyado siyang nasaktan , hindi siya maka-usap. Wala pa siyang maayos na kain ilang araw na.
May dalawang araw pa bago ang libing ni sessai at lahat kami ay nagulat dahil nagising kami isang umaga na may dumating na kotse at lumabas mula sa driver seat si gio. Mugto ang mga mata , katulad ni prio ay namayat ito at namumutala ang mukha. Halata sa kanya ang mabigat na paghakbang na tila ba hirap na hirap siya sa paglalakad.
Kasunod na lumabas sa kotse ay ang mommy at daddy ni gio.
Imbes na harangan siya ay tumabi kami at hinayaan namin siyang makalapit sa kabaong ni sessai. Hindi ko napigilan ang pagtulo nang luha ko dahil sa pag-iyak ni gio. Hindi ko alam kung bakit napakasakit pakinggan ng kanyang pag-iyak. Wala siyang ibang sinasabi kundi sorry ngunit iba ang kirot nun sa dibdib ko. Siguro dahil naging saksi din kami kung paano naging perpekto ang kanilang pagsasama bago nagkaroon nang ganitong problema.
"Babe! Bakit ganito? Bakit ganito?"
Umalalay agad sa akin ang asawa ko habang nakatago sa aming likudan ang mga anak namin. Sila meng naman ay matalim ang tingin kay gio at halatang nagpipigil lamang nang galit.