Chapter 19

201 10 4
                                    


----

"Mommy where are we going po? Bakit po hindi natin kasama si daddy?"

Nag-angat nang tingin sa akin ang anak ko habang hawak ko ang kamay niya.

Pareho kasi kaming maaga na nagising. Sumisikat pa lamang ang araw pero gising na gising na ang diwa namin habang tulog na tulog pa ang daddy niya. Namiss ko kasi ang luto ni Aling nora kaya kahit nakasuot pa kami nang pantulog dalawa ay lumabas kami nang bahay para maglakad at tumungo sa tindahan ni Aling nora.

Pareho din ang suot namin na pantulog. Pareho ang designs at ganuon din ang kulay kaya para kaming model sa isang online business na mino-model ang ganitong klase nang damit. Tuwang-tuwa nga sila Meng at Flor kagabi dahil cute daw naming tignan tatlo sa suot namin.

"Bibili tayo ng almusal anak!" Nakangiti na sagot ko sa kanya.

"Ayaw mo po magluto nang breakfast for us mommy?" Inosente niyang tanong at saglit akong tinignan bago niya iginala ang paningin sa paligid.

Abala ang mga tao sa paglilinis nang kani-kanilang bakuran. Ngumingiti din ako sa mga pamilyar na tao na nakangiti din sa akin at pansin ko ang pagtitig nila sa anak ko na kahit wala akong salita na naririnig sa kanila ay kita kong humahanga sila sa anak ko at napakasarap talaga nun sa pakiramdam.

Nakaka-proud bilang ina!

"Masarap ang foods nila anak for breakfast kaya magugustuhan mo ang foods duon.." Nakangiti na sabi ko.

"Meron po ba silang black na lugaw mommy?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya at tinanong siya kung anung black na lugaw ang tinutukoy niya. "..yun pong nilalagyan po ng milk mommy! Niluluto po yun ni daddy but i forgot po yung name nung foods mommy!" Kumamot pa nga siya sa kanyang kilay at halatang pinipilit na alalahanin ang tinutukoy niya.

"Champurado anak?"

Agad na lumawak ang kanyang ngiti at tumango-tango pa nga.

"Yes po mommy!" Matamis akong ngumiti sa kanya at ganuon din naman siya.

"Meron silang champurado , gusto mo ba nun?" Muli siyang tumango habang 'di naaalis ang ngiti sa kanyang labi. "..sige yun na lang din ang bibilihin natin para kay daddy!" Hindi siya sumagot pero halatang excited na siyang kumain.

Medyo malayo din ang tindahan ni aling nora. Mas malapit kasi ang pwesto niya sa bahay nila flor kaya mas madalas talaga na duon bumibili nang almusal si flor kapag tinatamad siya magluto. Hindi naman ako madalang na bumili nang almusal sa kanya dahil kanin ang gusto ko sa umaga.

Bibili 'man ako ay para kay ate lang.

Binuhat ko agad ang anak ko nang makarating kami sa tindahan ni aling nora na mas lumawak na at nagkaroon na nga nang kainan. Noon kasi ay tindahan lamang pero ngayon ay nilagyan na din niya ng mga lamesa at bangko para sa mga taong gusto dito kumain nang almusal.

"Magandang umaga po!" Nakangiti kong pagbati kay aling nora na agad akong tinignan at matamis na ngumiti.

"Jusko! Kaganda mo lalo sessai!" Sabi niya at agad na dumapo ang mata niya sa anak ko na pinagmamasdan ang mga pagkain sa kanyang harapan. "..ito na ba ang anak mo , sai? Aba'y kagwapo nga pala! Nung huling uwi niyo kasi dito ay hindi ko manlang siya napagmasdan masiyado. Napakagwapo at kamukhang-kamukha ng iyong asawa!" Ngiting-ngiti na sabi pa ni aling nora habang hindi inaalis ang paningin niya sa anak ko.

"Si prio po aling nora , anak ko!"

Tumingin naman sa kanya ang anak ko at nagmano naman ito sa kanya pero hindi ito nakangiti at muling ibinalik sa mga pagkain ang atensyon niya.

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon