Chapter 27

186 8 17
                                    


----

"Wow! Beach wedding?"

Excited na sabi ni jas habang tinitignan ang magazines tungkol sa pinag-uusapan naming kasal nila geraldine at sol.

"Yes ate! Plan namin ni sol na ikasal sa Buena resort! Okay lang ba?" Wika ni geraldine habang matamis ang ngiti.

"Oh bakit kami ang tinatanong mo? Kayo dapat ang mag-usap ni sol diyan!"

Sabi ni flor na hawak sa damit ang anak na si viena dahil naglalakad na ito katulad ng anak ni rolando , jasper at jas.

"Si kuya na ang bahala sa foods basta gusto namin na maikasal na sa madaling panahon. Ayoko nang patagalin ito." Maganda ang ngiti naming mag ka-kaibigan habang pinagmamasdan si geraldine. "..i just want a simple wedding mga ate! Ang mahalaga masaya kaming pareho ni sol!" Dagdag niya at tumulo ang luha niya habang matamis ang ngiti.

Natuon ang atensyon niya sa anak ni rolando nang gumapang ito palapit sa kanya at humawak sa mga hita niya upang alalayan ang sarili na tumayo. Tumingala ito sa kanya at inosenteng ngumiti 'tsaka inabot ang mukha niya at pinunasan ang nabasang pisnge dahil sa luha.

"Aww! Bakit ang sweet naman nang anak ni kuya rolando!"

Ngumiti si tinay at yumakap sa kanya 'tsaka muling lumapit kela chloe , viena at ellaine na anak nila Jasper at Essa na dalawang taon na din at abala sa paglalaro. Wala naman sila Janna , hailey , carla at prio dahil may pasok ngayon.

May kanya-kanya kaming opinion and suggestions sa wedding pero syempre masusunod pa din ang kagustuhan nang bride , simple lang naman yung wedding na gusto nila kaya kaunti lang ang guest. After ng pag-uusap ay umalis na ang mga kaibigan ko , naiwan lang si tinay na si geraldine ang nag-aalaga dahil nasa dagat pa si rolando at nasa palengke naman nang bayan si tita kalay kaya walang ibang mag-aalaga. Buti na nga lang at hindi iyakin si tinay kaya hindi nahihirapan sa pag-aalaga si geraldine lalo na't busy siya sa pag-aasikaso nang kasal nila. Nasa bayan naman si sol dahil may inaasikaso din ito kasama ang asawa ko.

"Sinigang?" Nakangiting tanong ni geraldine habang buhat si tinay na nilalaro ang dulo nang kanyang buhok.

Tinikman ko naman ang niluluto kong sinigang na isda 'tsaka tinakpan.

"Favorite ni prio ang sinigang eh kaya yan ang niluto ko. May gusto ka bang ulam? Lulutuin ko para sa lunch!"

"No ate! Okay na yan! Mukhang masarap eh! Mapapagod ka lang!" Ngumiti naman ako at tinignan ang sinaing ko.

"Mamaya lamang ay nandito na ang batang yun tapos may pasok na naman siya nang ala-una ng hapon."

"What? Grade 1 siya diba? Akala ko half day lang pag grade school!"

Nagtataka niyang tanong.

"Iba dito sa probinsya! 7 nang umaga ay may pasok na sila hanggang 11:30 ng tanghali tapos may pasok na naman sila nang 1pm para sa afternoon class nila."

"Hindi ba magsasawa ang bata?"

Natawa ako sa tanong niya.

"Kelan ba nagsawa sa pag-aaral si prio? Natutuwa pa nga siya tuwing may pasok. Ang sigla niya sa unang araw nang klase ay hindi nagbabago hanggang sa magbakasyon!" Litanya ko. "..kahit nga walang pasok ay dinadayo niya mag-isa si janna para mag-aral o kaya naman ay nagpapaturo kay rolando o meng ng pagluluto kapag busy ang daddy niya sa restaurant!" Dagdag ko pa at pinatay ang apoy dahil luto na ang sinigang. "..may oras din siya kay clio! Tinuturuan niya ito kahit hindi pa nagsasalita!" Sabi ko pa at matamis na ngumiti sa kanya.

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon