Chapter 29

170 9 35
                                    

---

"Ouch mommy! Wag po alcohol!"

Hinipan ko ang sugat ni prio na nililinis ko nang bulak na may alcohol.

"Bakit kasi sa palayanan kayo naglalaro? Bantaak ang init prio! Sobrang init sa labas pero duon ka pa naglaro! Diba ang bilin ko sayo ay wag na wag kang nagbibilad sa ilalim nang araw dahil masama iyun sa iyo?"

Yumuko siya at nilaro ang mga daliri sa kamay habang ang binti ay nasa mga hita ko dahil ginagamot ko ang sugat niya sa tuhod at sa ibang daliri nang paa. May gasgas din ang mga palad niya at maliliit na sugat sa kanyang braso. Amoy pawis na siya at maputik ang puti niyang sando.

"Sorry po mommy!"

"Sorry na naman!" Mahinahon ngunit naiinis na sabi ko. "..palage kang nag so-sorry pero inuulit mo pa din naman ang mga bagay na pinagbabawal ko sayo Prio drake!" Muli ko pang sermon.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang kanyang paghikbi. Si clio naman ay mahimbing ang tulog sa duyan.

"Alam mo naman kung bakit pinapagalitan kita , diba?"

"O-opo!" Umiiyak niyang sagot.

"Gusto ko na malaman mo ang mali at tama! Ayoko kasi na lumalaki ka na hindi nalalaman ang mga simpleng bagay o gawain na dapat ay iwasan at gawin mo! Gusto ko lumaki ka nang reponsable at may disiplina sa pinaka-maliit o pinaka-malaking bagay pa yan!"

Kalmado kong sabi at marahang ibinaba ang kanyang binti at kumuha nang towel 'tsaka ko hinawakan ang kanyang pisnge upang makita ko ang kanyang mukha.

Tipid akong ngumiti at pinunasan ang dumi sa mukha niya at ganoon din ang mga luha niya. Sinuklay ko ang buhok niya na basang-basa nang pawis gamit ang mga daliri ko. Kagat naman niya ang ibaba niyang labi upang pigilan ang pag hikbi.

"Alam mo ba kung bakit nagagalit ako?"

"Opo!"

"Why?"

"Kasi po mali ako! Hindi ko sinusunod ang mga utos niyo sa akin kaya nasasaktan at napapahamak po ako!"

"Mahal kita anak kaya ayoko na nasasaktan ka o nakakalimutan mo ang mga tama at mali sa paligid mo!"

"Sorry , mommy!"

"Sana hindi na maulit!"

"I love you , mommy."

"I love you so much , kuya prio."

Mabilis siyang tumayo at niyakap ako sa leeg kaya naman ibinaon ko siya sa aking dibdib at ikinulong siya sa yakap ko.

Dahil sa pagod ay nakatulog si prio sa mahabang sofa. Si clio naman ay nanatiling malalim ang tulog sa duyan.

Kinuha ko ang laptop ko at tinignan ang files na ipinasa sa akin ni kuya. Habang abala sa paper works ay nakatanggap ako nang tawag mula kay zherlyn. Hindi ko na alam kung ilang beses na ba siyang tumawag ngayong araw. Lahat nang tawag niya ay hindi ko sinasagot! Minsan nga ay naka-silent na lang ang phone ko dahil ayokong makarinig nang tawag mula sa kanya o kahit basahin ang message niya.

"Nandito na ako!" Saglit akong napahinto sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses ni gio mula sa aking likuran.

Narinig ko ang mga hakbang niya palapit sa akin kaya agad akong tumayo at pumunta sa kusina.

Sumunod naman siya sa akin.

"Maaga akong umuwi kasi wala namang ibang gagawin sa restaurant!"

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon