Chapter 14

193 9 8
                                    


----

GIO

"Ms.Chua! What are you doing here in my office?" Gulat na tanong ko nang makita ko si danikaa sa loob ng office ko.

Ngumiti siya at agad na naglakad palapit sa akin , hahalik sana siya sa pisnge ko pero umatras ako at iniwasan siya. Mahina siyang natawa na para bang hindi makapaniwala sa nagawa kong pag-iwas.

"Why? Bawal ba ako dito?" Maarti na tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga ako at nagpipigil nang inis na tinignan siya.

"Hindi ka sana pumapasok sa office ko nang hindi ko alam.." Seryosong sabi ko pero katulad kanina ay tumawa lang siya.

"Ang sungit mo naman.."

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at nagulat nang makita kong hawak niya ang phone ko , agad ko iyong kinuha sa kanya at nagtataka na tinignan siya.

"Bakit hawak mo ang phone ko!"

Inis akong napapikit nang marinig na naman ang maarti niyang pagtawa.

"Oh! Tumawag ang wife mo kaya sinagot ko!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad na tinignan ang logs ko.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at nasabunutan ang sarili kong buhok , galit kong binalingan si danikaa at pinigilan ang sarili kong saktan siya o sigawan pa.

"Tang-ina! Bakit mo sinagot?"

Galit na tanong ko sa kanya ngunit nanatiling kalmado ang boses ko , nagulat naman siya at bahagyang napaatras dahil sa tono nang boses ko.

"H-hey!"

"TANG-INA TALAGA!" Nagmadali akong tawagan ang number nang asawa ko pero ring lang iyun nang ring.

Ilang beses kong sinubukan tawagan ang number niya pero katulad sa unang tawag ko ay walang sumagot , gumapang ang kaba at takot sa dibdib ko. Naiinis ako sa sarili ko pero mas naiinis ako sa babaeng ito na tila natutuwa pa nga dahil sa ginagawa kong pagtawag sa asawa ko na hindi sinasagot.

"Umalis ka na!" Kalmado na sabi ko pero alam kong ramdam niya ang galit ko.

"Why naman? pinapunta ako dito nang daddy mo para sana kausapin ka about duon sa business na napag-usapan kagabi , nagmamadali ka kasi na umuwi sa wife mo kaya ---"

"PUTANG-INA! i said get out of my office , mahirap bang intindihin ang sinabi ko ha?" Sigaw ko sa kanya.

Bahagya pa siyang napaatras at hindi agad nakapagsalita dahil sa lakas nang sigaw ko sa kanya , hindi ko na siya pinansin at muli kong tinawagan ang number ni sessai pero nag ri-ring lang iyun.

"Shit! Love , where are you? please answer your phone! Damn!"

Bulong ko habang hinihintay na sagutin ng wife ko ang tawag ko pero hindi niya pa din sinagot ang tawag ko!

"Kung ayaw niyang sagutin ang tawag mo , edi wag mong pilitin. Baka kasi busy ang wife mo kaya hindi magawang sagutin ang call mo?" Nakangisi na sabi ni danikaa habang prenteng naka-upo sa couch dito sa office ko.

"Diba't sabi ko ay umalis ka na?"

"Relax ka lang okay? masiyado ka bang distracted sa presence ko kaya ayaw mong nandito ako?"

"Bobo ka ba?"

"What the -- ulitin mo nga yung sinabi mo gio?" Inis ko siyang tinignan.

"Tinatanong kita kung bobo ka ba dahil hindi mo maintindihan ang simpleng salita ko na umalis ka sa opisina ko!"

"You're so mean , gio." Maarti pa din na sabi niya at pinag-krus pa ang mga hita niya ganuon din ang braso sa kanyang dibdib. "..anu bang problema kung nandito ako? ang sabi nang daddy mo pwedi naman kitang bisitahin if i have time that's why im here kasi free ako today!" Hindi ko alam kung ganyan ba talaga tumakbo ang isip nang babaeng ito o tanga lang talaga siya kaya ganun!

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon