-----SESSAI
Marahan kong itinaas ang aking buhok habang naka-upo sa mga hita ko ang aking anak at mahimbing na natutulog sa dibdib ko. Sa sobrang haba nang byahe ay natulog lang siya. Hindi pa din maganda ang pakiramdam niya kaya tahimik lang siya sa buong byahe namin patungo ng quezon.
"Baby.." Pag-gising ng asawa ko sa anak namin at hinalikan ito sa pisnge. "..wake up baby , nandito na tayo." Saglit lang na nagmulat si prio pero muling bumalik sa pagtulog at mas isinandal pa ang kanyang katawan sa akin kaya napangiti ako.
"Buhatin mo na lang siya babe. Alas dos pa lamang ng umaga kaya hirap na hirap siyang gumising." Mahinang sabi ko sapat lang para marinig niya.
Bumaba na si kuya jolex at ibinaba ang gamit namin mula sa likod ng Van.
"Bubuhatin ko na lang siya.." Ngumiti ako at tumango 'tsaka inalalayan ang ulo ni prio habang binubuhat ni gio.
Inalalayan ko din silang makababa sa van bago ako lumabas at kinuha ang bag ko at ibang gamit ni Prio. Napayakap pa ako sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin sa paligid. Inayos naman agad ni gio ang jacket nang anak namin na mahimbing pa din na natutulog sa kanyang balikat. "..kuya jolex , ihahatid ko lang si prio sa kwarto ha. Babalik ako para matulungan kita!" Sabi nang asawa ko kay kuya jolex na abala sa mga gamit.
"Sige lang sir!"
"Kamusta byahe?" Nakangiting tanong ni Kuya John at mukhang kagigising lang.
"Ayos naman kuya.."
"Si prio kamusta?"
Tipid akong ngumiti sa kanya at mas niyakap pa ang sarili dahil sa lamig nang hangin ngayon sa labas. Alas dos pa lang kasi nang umaga at napakadalim pa nga nang paligid. Tulog na tulog pa ang mga tao sa bawat bahay kaya tanging kuliglig lang at huni ng iba't ibang insekto o hayop ang maririnig ko sa tahimik na paligid.
May mga alitaptap din sa malalaking puno.
"Tulog siya buong byahe! Sobrang tahimik niya unlike before na hindi siya nauubusan ng kwento habang nasa byahe kami! Para bang malalim ang iniisip niya at wala siya sa mood!"
Sabi ko sa kanya at napatingin sa bumukas na ilaw na nagmumula sa bintana sa itaas ng bahay nila ate sally.
"Don't worry nandito naman ako para i-check ang lagay niya! Doctor kang called me yesterday at sinabi niya sa akin ang lagay nang anak mo. Ako na muna ang bahala sa kanya habang nandito kayo."
Ngumiti ako at tumango.
"Thank you kuya.."
"I'm a doctor sessai and that's my duty kaya hindi mo kailangan na mag thank you sa akin , okay?"
"Thank you pa din." Nakangiti pa din na sabi ko kaya matamis siyang ngumiti 'tsaka tinapik-tapik ang balikat ko.
Nakikita ko sa kanya ang mukha ni Jas kapag ngumingiti siya. Hindi maitatanggi na magkapatid nga silang dalawa.
"Need my help, kuya?" Presenta niya kay kuya jolex na halata na ang antok sa kanyang mga mata habang ibinababa ang mga maleta naming mag-anak.
![](https://img.wattpad.com/cover/239661671-288-k678838.jpg)