Special Chapter of GIO

235 11 9
                                    


----

GIO

"This will be the last na magkikita pa tayo!" Pagod kong sabi kay kristel nang maibaba ko sa kama ang anak ko.

Nakatulog na siya sa bisig ko dahil pagod din siya sa sobrang pag-iyak.

"What do you mean?" Mataray niyang tanong. "..ibig mo bang sabihin ay ayaw mo na ding makita si gia?" Dagdag niya.

"No!" Bumuntong hininga ako. "..makikita ko naman ang anak ko kahit hindi ka niya kasama!" Sagot ko na ikinabigla niya. "..papayag lang ako na makita si gia kapag hindi ka kasama. Susunduin ko siya sa condo mo or ipapahatid mo siya sa kapatid mo." Diretso ko siyang tinitigan at gumuguhit ang inis sa mga mata niya. "..sana maintindihan mo ang sinasabi ko , kristel. Kailangan kong ayusin ang pamilya ko , mahal ko ang asawa ko. Mahal na mahal ko si sessai." Nagulat siya nang pumatak ang luha ko. "..hindi ko na alam ang gagawin ko , mis na mis ko na ang pamilya ko!" Humugot ako nang hangin at muling tinignan si Gia.

"Kailangan ka ni gia.."

"Kailangan din ako ng mga anak ko , hindi ko naman puputulin ang relasyon ko kay gia. Ibibigay ko sa kanya ang pagmamahal ko , ang lahat nang kailangan niya. Lahat-lahat!"

"Gio.."

"Wag ka na muna lumabas ng room , baka kung ano pang magawa ni gerian sayo." Walang gana kong sabi at isinara ang pinto nang guest room.

Pagod kong isinandal ang sarili ko sa pader at unti-unting napaupo sa sahig. Napatitig ako sa kisame at hinayaan ang sarili ko na umiyak. Napapikit ako nang muling rumihestro sa aking paningin ang mga mata nang anak ko na lumuluha , puno iyun nang sakit at galit. Para akong dinudurog kanina , ang bawat pag-iyak nang mga anak ko ay pinapatay ako. Para akong sinasaksak ng libo-libong kutsilyo sa aking dibdib. Masakit! Sobrang sakit! Kahit ang yakapin o hawakan ang mga anak ko ay hindi ko na magawa. PUTANG-INA!

Ano bang ginawa ko? Bakit nagawa kong saktan ang babaeng buhay at mundo ko.

Hindi ito ang mundong ipinangako ko sa kanya. Hindi ito ang buhay na nais ko para sa asawa at mga anak ko. Hindi ito!

Napapikit ako nang marinig ko sa isipan ko ang tinig nang asawa ko habang matamis ang ngiti at puno nang pagmamahal ang mga tingin niya sa akin. "..napakaganda nang mundong pinili ko!" Ang mga salita niyang iyun ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko at sobrang nasasaktan ako.

Napakatanga mo , gio. Ang tanga-tanga mo! Isa kang gago! Tarantado ka!

Gumising ako nang maaga para puntahan ang mag i-ina ko. Hindi pa manlang ako nakakalapit sa mismong gate nila ay itinigil ko na ang kotse. Nakita kong lumabas sa gate si sessai at buhat ang anak naming bunso. Kasunod na lumabas si zherlyn , hawak sa kamay si prio.

Abala naman ang kasambahay nila na ilagay sa kotse ang gamit ni sessai.

May sinabi pa si sessai sa mga anak namin at hinalikan ang mga ito sa pisnge. Sinenyasan niya na ito na pumasok kaya kinuha na ni zherlyn si clio at pumasok sila sa loob nang bahay.

Napabuntong hininga ako ng mabilis na nawala ang ngiti nang asawa ko ng mawala sa paningin niya ang mga anak namin , na para bang pinapakita niya lang sa mga anak namin na okay lang siya at kapag wala na ay duon lumalabas ang totoong nararamdaman niya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manobela nang makita kong nagpahid ng luha ang asawa ko sa pisnge niya at naglakad papunta sa driver seat , pumasok siya duon at agad na pinatakbo paalis ang kotse.

Pinatakbo ko ang kotse at itinigil sa harapan nang gate nila zherlyn , bumaba ako at tinanaw ang mga anak ko. Ngunit lumipas lang ang oras ay hindi ko na muling nasilayan ang mga anak ko.

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon