----LUMIPAS pa ang mga araw at nakikita kong excited ang anak ko sa mangyayaring event nila sa school , tuwing magkakasama nga kami ay yun na lang nang yun ang sinasabi niya at natutuwa naman kaming pakinggan ang mga kwento niya. Hindi nga kumpleto ang araw naming mag-asawa kapag di namin naririnig ang ingay nang anak namin , kapag nga nasa trabaho ay parang nabibinge ako sa katahimikan nang paligid ko. Gusto ko agad matapos ang office work ko para lang makasama ko ang aking mag-ama at mayakap sila.
"Naku sessai , kung nakita niyo lang ang itsura ni Sir. Benedict kanina? Naku baka matawa din kayo." Yan agad ang ibinungad sa akin ni ate loyda nang makapasok ako sa office ko.
"Wala akong pakialam sa kanya ate."
Agad kong tinignan ang mga bagong paper works sa table ko at ibang folders na hindi ko natapos kahapon.
"Solid pala sumapak si Gio.." Sabi pa din niya at naupo pa nga sa upuan na nasa tapat nang table ko. "..hindi na makilala at namamaga ang mukha , putok pa ang labi at malaki ang pasa dalawa niyang mata." Natatawa niya pang sabi. "..hindi na siya nagtagal dito kanina , ang sabi niya lang ihinge ko daw siya nang sorry sa inyo pati kay gio. Baka daw kasi madagdagan pa ang mga sugat niya kapag naabutan pa siya dito ni gio." Sabi niya pa at ngumiti lang naman ako.
"Hayaa mo na yun ate , pasalamat nga siya at yun lang ang nangyari sa kanya." naiiling na sabi ko. "..sa susunod na bumalik siya dito , pakisabe sa security na wag na siyang hahayan na makapasok dito." Sabi ko sa kanya at ibinalik sa paper works ang mata ko.
Nagpaalam na din si ate loyda na lalabas nang office ko para gawin ang trabaho niya kaya naiwan ako sa office na abala sa mga paper works sa table ko , maaga ding umalis kanina ang asawa ko dahil may maaga siyang meeting sa ibang client niya. Ang alam ko kasama niya si Daddy franco kaya nga ako lang mag-isa ang naghatid kanina kay Prio dahil nagising ang anak namin na nakaalis na si gio ng bahay.
"Ma'am!" Nabaling ang tingin ko kay ate loyda na nakasilip ang ulo sa may pintuan nang office ko.
"Yes ate?"
"May bisita po kayo!"
"Sinu?"
Bumaba ang tingin ko sa anak ko nang bigla siyang pumasok at tumakbo palapit sa akin , matamis akong ngumiti at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.
"Bakit ang aga nang uwi mo anak? Wala pang 10am ah!" Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisnge.
Ngumiti din ako kay Kuya jolex na hawak ang bag nang anak ko.
"Pina-uwi po sila nang maaga ma'am kasi po may meeting daw po sila para sa event na gagawin bukas." Nakangiting sabi ni Kuya jolex at ipinatong sa table ko ang bag ng anak ko. "..nagulat nga po ako dahil maagang tumawag si teacher sheena at nagsabi na maaga ang uwian nila prio." Dagdag niya pa.
"Salamat kuya jolex."
"Mauna na din po ako ma'am kasi po idadaan ko pa po kasi sa office ng ate zab ninyo ang mga papel na naiwan niya sa bahay nila."
"Sige kuya , thank you po!"
"Prio , alis na ako." Nakangiti niyang sabi sa anak ko at agad namang lumapit sa kanya si prio at nagmano 'tsaka saglit na niyakap si Kuya jolex.
"Take care tito jolex."
"Salamat." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "..sige po ma'am!" Sabi niya ulit at 'tsaka siya lumabas ng office ko.
May mga puting buhok na din si Kuya jolex at halata na din sa balat niya na tumatanda na pero malakas pa din at ayaw pa din niyang iwan ang trabaho niya sa amin kaya kahit may mga anak na kami nila kuya ay nanatili siya sa trabaho niya sa amin , mas madalas nga lang niyang nakakasama ang anak ko at si zherlyn.