Chapter 9

209 13 19
                                    


----
WARNING : suicide! ayos lang kung di niyo basahin itong chapter na ito kasi masiyadong mabigat!
----

MENG

Napatanaw ako sa malayo matapos kong kausapin si sessai sa phone , napaisip lang kasi ako kung bakit bigla na lang siyang nagtanong kay dada. May pag-aalala sa tinig niya ay tila ba malalim ang iniisip.

"Ma , anu pong iniisip mo?"

Napakurap ako at nagbaba nang tingin sa anak ko na parang kabote na bigla na lang sumusulpot kung saan.

"Saan ka na naman galing?"

"Sa labas po!" Ngiting-ngiti na sagot niya at may chocolate pa nga ang ngipin niya kaya inalis ko iyun gamit ang daliri ko 'tsaka ko kinain , sayang kasi. "..nakipaglaro po ako sa labas mama!" Dagdag niya pa nang maalis ko na ang tsokolate sa maputi niyang ngipin.

Mabuti na lang talaga at matibay ang ngipin nang anak ko kaya kahit mahilig sa matamis ay hindi nasisira ang ngipin niya.

"At kaya pala madumi na naman yang damit mo dahil naglaro ka na naman sa labas , kapag nakita ka na naman nang papa mo na ganyan kadumi ang damit ako na naman ang pagagalitan!" Sermon ko sa kanya at sumimangot naman siya.

Nagulat pa ako nang umirap pa sa akin ang anak ko 'tsaka ako tinalikuran.

Lokong bata ito!

"Hoy bata ka , saan na naman ang punta mo?" Mahinang sigaw ko dahil puno nang costumers ang M-Cupcakes ngayong araw.

"Magpapalit po ako nang damit mama baka awayin ka na naman ni papa tapos magpapa-baby ka na naman po sabihin mo na naman po inaaway ka namin ni papa!" Nagtataray na sagot niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko sa gulat dahil sa sagot niya , habang tumatanda ang anak ko ay naguguluhan na ako kung sinu ba ang nanay sa aming dalawa. Kung maka-sermon at maka-sagot kasi siya sa akin ay para bang ako itong anak niya , palibhasa ay lageng kakampi ang papa niya at pati sa kalokohan ay nagkakasundo sila!

"Ganda nang anak niyo ate meng!"

Sabi nang isang college students na dumadayo pa dito kahit may branch naman kami sa bayan. "..maganda din ako kaya malamang maganda ang anak ko!" Mataray na sagot ko habang kinu-kwenta ang kinain niya. "..'tsaka ikaw ha , may sinusulyapan ka ba dito kaya palage kang dito kumakain?" Dinuro ko siya nang ballpen , kaibigan ko kasi ang mama niya at taga-bayan sila pero dito pa siya pumupunta para lang kumain nang cupcakes ko at mag-order nang kape.

"Ate meng naman , wala akong pino-pormahan dito!" Kumakamot pa sa ulo na sabi niya , inirapan ko lang siya at binigyan ko siya nang sukli.

"If i know sinusubaybayan mo si kikay , yung kapatid ng asawa ko!"

Nanlaki naman ang mata niya kaya pinitik ko siya sa ilong.

"Wag mo na yung landiin pare , may boyfriend na yun. Humanap ka nang walang sabit , lubayan mo si kikay!"

Sabi ko sa kanya habang hinihimas niya ang mapula niyang ilong na pinitik ko.

"Ate meng naman!"

"Tigilan mo ako , lumayas ka na bago pa tumawag sa akin ang mama mo kung nandito ka na naman!" Sermon ko sa kanya at nakasimangot naman siya na tumalikod sa akin habang kumakamot pa sa ulo niya 'tsaka tinawag ang mga barkada niya na nagpaalam din muna sa akin bago lumabas. "..lokong bata na ito!" Bulong ko pa sa sarili ko at napailing 'tsaka tinapos ang pag che-check ko sa mga records nang branch ng M-Cupcakes ko sa bayan at manila.

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon