Chapter 17

238 12 29
                                    


----

GIO

Tahimik kong pinagmamasdan ang asawa ko habang pinaghahanda ako nang damit sa kama namin. Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya. Gumuguhit din duon ang lungkot at sakit dahil sa sitwasyon nang anak namin. Masiyadong tahimik ang buong bahay , nakakamis na ang ingay nang anak namin. Yung mga tawa niya na animoy kinikiliti at ang bawat sigaw niya kapag tinatawag kami nang mommy niya.

Ilang araw nang nasa hospital ang anak namin at sa ilang araw na nakalipas ay para bang walang buhay ang buong bahay.

"Are you sure hindi ka sasama?"

Saglit niya akong nilingon na may maliit na ngiti sa kanyang labi.

"Alam kong gusto mo makausap si daddy kaya hindi na ako sasama. Baka masira lang ang family dinner niyo kung pupunta pa ako!" Malungkot kong tinitigan ang asawa ko. Nakangiti siya pero ramdam kong nasasaktan siya. "..kami na lang muna ni meng ang magbabantay kay prio. Dumaan ka sa hospital ha after nang dinner niyo!" Mahina niyang sabi na sapat lang para marinig ko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa kanyang likudan. Naramdaman kong natigilan siya at hinaplos ang braso ko na nakayakap sa kanyang bewang.

"Ayos lang ako kaya wag ka na mag-alala. Basta yung sabi ko sayo ha? Wag kang magpapakagalit ng sobra dahil hindi maganda sayo ang nagagalit nang sobra. Baka bigla ka na lang bumagsak dahil sa galit mo.." Marahan niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ako nang nakangiti. Yung ngiti na hindi umaabot sa kanyang mga mata. "..hindi ko na kakayanin kung pati sayo ay may mangyaring masama. Kausapin mo siya nang kalmado babe , alam kong galit ka pero gusto ko ay kalmado ka lang dahil masama sayo ang magalit!" Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo , ilong at labi.

"Don't worry love , i'll be okay!"

"I love you babe!"

"I love you so much , wag ka nang umiiyak ha? Napapadalas na ang pag atake nang asthma mo babe. Baka ikaw naman itong mapaanu diyan!" Ngumiti siya at tumango 'tsaka niya kinuha ang damit ko na ipinatong niya sa kama.

"Magbihis ka na dahil kanina pa nag te-text si gerian. Nagtatanong kung nasaan na daw tayo , hindi ko naman sinabi na hindi ako makakasama sayo!"

Tipid na lamang akong ngumiti at nagbihis saglit. Matapos kong magbihis ay umalis na din kami agad ng asawa ko , hinatid ko muna siya sa hospital bago ako tumungo sa restaurant kung saan hinihintay ako nang family ko. Pagod akong bumaba sa kotse at naglakad papasok sa loob. Natanawan ko si mommy na tipid ang ngiti at ganuon din ang kapatid kong bunso na kasama ang kanyang asawa na si Angelo. Saglit ko lang tinignan si dad na diretsong nakatingin sa akin , agad akong umiwas at nilapitan si mommy para halikan sa noo ganuon din ang kapatid ko. Binati ko din si angelo bago ako naupo at hindi nag-abala na magsalita.

"Kamusta si prio kuya?"

"Stable na ang lagay niya pero wala pa din siyang malay. Walang sign na nakikita ang doctor kung malapit na ba siyang magising!" Mahinang sagot ko.

"Kamusta ka anak? Ang asawa mo kamusta? Sa tuwing bibisita ako kay prio ay wala kayo duon kaya hindi na tayo nagkikita. Kung hindi ka siguro pumunta ngayon ay baka hindi pa kita makikita at maka-kamusta!" May lungkot at pag-aalala sa tinig ni mommy na diretsong nakatingin sa akin. "..bakit hindi mo isinama ang asawa mo?" Muli niya pang sabi sa akin.

"Gusto niya pong manatili sa tabi nang anak namin kaya hindi siya sumama.."

Tipid kong sagot.

"Naiintindihan ko.." Ngumiti ako kay mommy at hindi na muling nagsalita.

Dumating ang foods namin at tahimik naman akong kumain. Marami sa pagkain ang bawal sa akin kaya hindi din ako naka-kain nang maayos lalo na't ang isip ko ay nasa mag-ina ko kahit kasama ko ngayon ang pamilya ko.

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon