---"Tapos po mommy sabi po ni Janna at ate hailey , pag po nagpunta po tayo duon sa kanila mag p-play daw po kami at sasakay po kami sa horse tapos po mommy kukuha daw po kami nang bayar--barya--" natawa ako nang hindi niya masabi ang huling salita na sasabihin niya. Kinuha ko ang bag niya na may design nang favorite niyang robot. "..ahm! Kulay green po siya mommy." Pagsuko ng anak ko at kumamot sa kilay niya.
"Baka bayabas anak!"
"Ah yeah mommy , bayabas!" Tuwang-tuwa na sabi niya.
Bumaba siya sa kama niya at kinuha ang itim niyang sapatos sa maliit niyang sapatusan at sinuot niya iyun nang mag-isa , nakangiti lang naman ako na pinapanood siya sa pagsuot niya ng sapatos niya habang ang daddy niya naman ay busy sa paghahanda nang baon niya sa kusina.
"Hindi ka naman kumakain nang bayabas anak diba?" Sabi ko sa kanya at inayos ang sapatos niya dahil hindi maayos ang pagkakasuot niya.
"Sorry mommy , di po maayos!" Sabi niya at hinalikan ang buhok ko habang naka-luhod ako sa harapan niya at inaayos ang sapatos niya , ngumiti naman ako at hinalikan siya sa pisnge.
"Ayos lang yun anak , konting practice pa at maisusuot mo na din nang maayos ang sapatos mo." Sabi ko sa kanya.
Matamis naman siyang ngumiti.
Tumayo ako at bubuhatin ko na sana siya nang bigla siyang umatras at humawak sa strap ng bag niya kaya nagtaka ako.
"Bakit anak? mabaho ba si mommy?"
"No po mommy!" Sabi niya at humawak siya sa kamay ko habang nakatingala sa akin at matamis ang ngiti. "..big boy na po kasi ako mommy , baka po atakihin ka po ng asthma mo kasi po mabigat na po ako eh. Lakad na lang po si prio!" Sabi niya at inakay ako palabas nang room niya at sabay kaming bumaba nang hagdanan para puntahan ang daddy niya sa kusina.
"Wow pogi naman ng anak ko."
Bumitaw si prio sa kamay ko at patakbong lumapit sa daddy niya , binuhat naman siya agad nang daddy niya at hinalikan agad siya sa kanyang pisnge.
"Bubuhatin ko sana siya eh ang kaso big boy na daw siya." Natatawa kong sabi.
Ngumiti naman si gio at tinignan ang anak namin na buhat niya at hinalikan niya ulit ito sa pisnge. "Talaga anak? Big boy ka na ngayon ? Edi hindi ka na pala namin baby ngayon." Sabi ni gio at inayos niya ang buhok ng anak namin.
"Yes daddy!" Nakangiting sagot naman nang anak namin. "..big boy na daw po ako sabi ni tito dada kaya sabi po niya dapat daw po bigyan niyo na ako nang little sister para po may kapatid na daw po ako , para daw po kuya na ako." Agad na lumawak ang ngiti ni Gio at nang-aasar siyang tumitig sa akin.
"Anung tingin yan?"
"Narinig mo naman ang sinabi nang anak natin mahalko , gusto na niya ng kapatid. Baka naman pwedi na babe ? Malaki na si prio , dapat may kuya nang tatawag sa kanya diba mahalko?" Sabi niya pa at nag taas-baba pa ang mga kilay niya habang ngiting-ngiti.
"Tigilan mo ako babe , lubayan niyo akong mag-ama!" Nagbabanta na sabi ko.
"Hindi naman ako ang nagsabi eh , ang anak natin babe." Pangungulit niya pa pero hindi ko na siya pinansin.
Kinuha ko ang gamot niya ngayong umaga at ikinuha din siya ng tubig , ibinaba naman niya si prio at pinanood lang siya na inumin ang mga gamot niya.
"Tara na , baka ma-late pa si prio sa klase niya." Sabi ko at agad na lumabas nang kusina , narinig ko pa nga ang pagtawa nung dalawa.
Nagkasundo na naman sila sa pang-aasar sa akin , mahihila ko talaga ang mga tenga nitong dalawa na ito , kaaga-aga nilang mang-asar sa akin. Katulad na lang kanina , kagigising ko lang kasi at babangon na sana ako kaso bigla na lang akong binuhat nang asawa ko at agad na ipinasok sa banyo , sa sobrang gulat ko ay napa-sigaw ako nang malakas dahil binuksan bigla ni Prio ang shower. Sobrang lamig nang tubig dahil sobrang aga pa kanina , pinapagalitan ko silang dalawa pero tinatawanan lang nila ako kaya sabay-sabay na lang kaming naligo kanina sa banyo. Pina-upo ko silang dalawa sa harapan ko at sabay ko silang pinaliguan , mga pasaway talaga.