Chapter 2

352 10 0
                                    

---

SOMEONE's point of view

"Kung gagawin mo lang pala akong driver at alalay , sana hindi na ako sumama sayo papuntang vigan."

Reklamo na naman ni Vin.

Sa buong byahe yata namin ay palage kong naririnig ang mga reklamo niya , hindi lang isang beses kundi sampo at lampas na nga yata sa sampong beses.

"Gago ka ba ? Sa mahal nang pinabili mong sapatos , kulang pa itong pag da-drive mo sa akin papunta sa vigan para sa pambayad.." Panunumbat ko at natahimik naman agad siya.

"Maghanap ka na kasi nang jowa."

"Aanhin ko naman ang jowa? Mabubuhay ba ako kapag may jowa ako? Stress lang ang makukuha ko sa pakikipag-relasyon.." Sabi ko pa sa kanya at sumimangot lang naman siya

Nag check in kami sa isang hotel dito sa tarlac , dapat kasi ay di-diretso na kami nang manila kaso napapagod na daw si Vin sa haba nang byahe kaya nag check in na muna kami sa hotel. Akala niya yata ay makakapagpahinga siya kapag nasa hotel na kami , pwes nagkakamali siya. Susulitin ko na ito kasi pagbalik sa manila balik duty na naman ako sa hospital.

"Anu na naman?" Nagdadabog na sabi niya ng buksan niya ang pinto nang hotel room niya , bakit ba napaka-reklamador nitong pinsan kong ito ? Kainis ang mukha!

"Gusto ko pumunta sa mall."

"Edi pumunta ka , ito ang susi." Inabot niya sa akin ang susi nang kotse ko pero hindi ko yun tinanggap."..putang-ina! Hanggang sa mall ba naman? Ipagda-drive pa kita charlyn ? Jusko naman! Maawa ka naman sa akin , kung alam ko lang naman na pagiging alila ang kabayaran nang sapatos na binili mo sa akin , edi sana hindi --- " natahimik siya nang taasan ko siya nang kilay.

Gusto ko pang matawa nang makita ko ang pagsabunot niya sa buhok niya at kinuha ang t-shirt niya 'tsaka lumabas ng hotel room , naririnig ko pa ang mahina niyang pag-reklamo habang sumusunod siya sa akin pasakay nang elevator.

Dumiretso kami agad sa mall , alas-singko na nang hapon. Siguro ay sa mall na lang din kami kakain nang hapunan tapos maaga na lang kaming aalis bukas pabalik sa manila para hindi traffic.

"Anu bang---"

"Isa pang reklamo vin , isasalpak ko sa lintik na bibig mo itong cellphone ko."

"Palibhasa ay matandang dalaga."

"Wow! Nagsalita ? Bakit may jowa ka ? Eh nung nalaman mo ngang nagka-boyfriend na si Sessai ay hindi ka na ulit bumalik nang pag-asa.."

"Seriously? Anu pang dahilan?"

"Wow! Panis ka pare! Nandun kaya mga kamag-anak mo , wala kang pagmamahal. Puro si sessai ang iniisip mo , kadiri ka." Nakangiwi kong sabi at pumasok sa isang store ng mga damit.

Napangiti ako dahil sa ganda ng mga designs ang kaso maganda din ang presyo , nakakapalunok ng laway. Masiyadong mahal ang presyo , baka hindi magkasya ang ipon ko ngayong taon.

"Bilhin mo na , maganda naman.."

"Kung hindi ko binili ang sapatos mo baka nakabili ako nito.."

"Sumbat pa nga." Nakangiwi na sabi niya at tumingin sa mga damit na panlalaki.

Marami naman siyang pera , ewan ko ba kung bakit mas gusto niya na nagpapabili sa amin ng mga gusto niyang gamit. Palibhasa ay spoiled siya sa kambal kong si Charity kaya pati ako ginugulo niya.

"Daddy! Daddy!"

Napalingon ako sa boses nang batang sumisigaw , sinilip ko siya sa kabilang sides at napangiti dahil sa taglay nitong ka-gwapuhan. Bata pa lang siya pero ang gwapo-gwapo niya na , sa sandaling tinignan ko siya ay agad kong napagmasdan ang maamong mukha nang batang lalaki. Matangos ang ilong , mapungay ang mata at brown ang kulay ng mga mata niya , malalantik ang pilik mata nito at maputi ang kulay nang balat. Napakaganda din nang shape nang kanyang labi na mapula , sa tingin ko ay marami ang babaeng magkakagusto sa kanya. Sinu bang ama nitong bata na ito? Baka pweding lahian ako , ang gwapo kasi.

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon