Chapter 13

202 9 13
                                    


-----

"Anong plano mo ngayon?"

"I don't know pa ate." Sagot ni gerian sa akin habang nasa elevator kami.

Pumunta kasi siya sa office ko para sabihin na ili-libre niya ako nang lunch ngayon. Kagagaling lang kasi nila nang honeymoon at bumalik naman agad ang asawa niya sa duty nito sa hospital.

"Kelan ang balak mo na bumalik sa canada? may trabaho kang naiwan doon diba?" Muling tanong ko sa kanya at ngumiti sa dalawang empleyado na kasabay namin sa elevator bago kami tuluyang lumabas ng elevator.

Naglakad kami palabas nang building.

"Napag-usapan na namin ni angelo ang tungkol sa bagay na yun ang kaso aayaw na niya akong pabalikin sa canada. Mas gusto niyang mag stay ako dito sa pilipinas dahil ayaw niyang magkalayo kaming dalawa." Natawa ako sa sinabi niya habang siya naman ay nakasimangot at halatang problemado.

"Saan ka ba naka-kita nang mag-asawa na hindi magkasama sa bahay? imagine gerian , may bahay kayo pero hindi naman kayo nagkikita dahil nasa ibang bansa ka habang ang asawa mo ay nandito sa pilipinas. Paanu kayo bubuo nang pamilya niyo kung ganoon din naman pala ang sitwasyon niyo?"

Sumakay ako sa front seat habang umikot naman si Gerian patungo sa driver seat at agad na nag-drive patungo sa restaurant kung saan kami kakain nang tanghalian.

Tinawagan ko naman ang asawa ko kanina bago kami umalis sa office , may lunch meeting siya ngayon at pupunta din daw siya sa pampangga mamaya bago tuluyang umuwi sa bahay , nag message din sa akin si ate zab na nandoon na daw si prio dahil nasundo na ni kuya jolex sa school at sobrang ingay na naman daw.

"Sayang naman kasi ang trabaho ko sa canada.." Dinig ko pang sabi ni gerian habang nasa kalsada ang tingin. "..ang sabi ko naman sa kanya baka siya na lang ang sumama sa akin sa canada!" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Nasa plano ba ang kasal niyo?"

"What do you mean ate? malamang nasa plano yun , hindi naman kami makakasal kung wala sa plano!"

"Hindi sana kayo nagpakasal kung hindi kayo magkasundo sa mga plano niyo pagkatapos nang kasal niyo!" Kunot noo na sabi ko sa kanya. "..kaya nga kayo nagpakasal hindi lang para masabing asawa mo na siya o kaya'y nakatali na kayo sa isa't isa. Nagpakasal kayo dahil pareho na dapat ang plano niyo sa buhay niyo kasi iisa na kayo eh , kasama na duon ang plano sa pagbuo nang sarili niyong pamilya hindi yung nagsisimula pa lang kayo pero hindi na kayo nagkakasundo sa isang bagay lang. Kung hindi pala kayo sang-ayon sa desisyon niyo pareho sana inayos niyo muna bago kayi nagpakasal.." Dagdag ko pa.

"Galit ka ba?"

"Baliw!" Hinampas ko siya sa braso pero tumawa lang siya. "..ayusin niyo yang mga plano niyo baka kapag nalaman nang kuya mo ang tungkol sa bagay na yan ikaw pa ang mapagalitan!" Sabi ko pa sa kanya at ngumiwi naman siya.

"Kasi ako na naman ang mali?"

"Hindi naman iana. Kung nagkakasundo kasi kayo sa isang bagay o kahit pinaka-simple at maliit na bagay lang yan , walang problema kasi sang-ayon kayo pareho at hindi salungat."

"Kapag nag stay ako dito sa pilipinas , wag na wag mo sa aking iiwanan ang anak mo ate. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo , ayokong alagaan si prio!"

Natawa ako sa sinabi niya lalo na ekspresyon nang kanyang mukha , para bang may tumatakbong senaryo sa isipan niya at hindi niya gusto iyun.

"Loko ka! anu na namang kasalanan sayo nang anak namin ha!" Natatawa na tanong ko sa kanya at umirap naman siya.

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon