----MENG
Sinundan ni Gio si sessai papasok kahit na nakahawak pa sa mga braso niya ang asawa ko at si ciemar. Buong lakas niyang binuksan ang pinto ngunit pare-pareho kaming nagulat nang basagin ni sessai ang malaking wedding picture nila ni gio.
Natulala kaming lahat.
Nagsimula nang magwala si sessai at ibinato ang lahat nang picture frames nilang mag-asawa. Nagtangkang lumapit si gio ngunit sa isang hakbang ay natigilan siya dahil ibinato ni sessai ang isang flower base sa harapan niya. Lalo pang lumakas ang iyakan nang mga anak nila.
"Sessai.." wala sa sarili kong sabi.
Tumulo ang luha ko at humawak sa bewang nang asawa ko. Ibang-iba ang sessai na nakikita ko ngayon. Nakakatakot siya! Punong-puno siya nang galit!
"Ano pang silbi nang mga pictures na ito? Wala na itong silbi!"
Muli siyang nagbasag at lahat kami ay nagugulat sa ginagawa niya.
"Ang sabi mo sa akin ay hinding-hindi ka gagaya sa daddy mo pero mas malala pa ang ginawa mo kesa sa kanya dahil nagkaroon ka pa nang anak sa iba!"
"I'm sorry....babe!"
"Wag mo sa akin isusumbat ang salita na hindi kita maintindihan o kaya naman ay napagod ako sayo!" Naging mahina ang boses ni sessai at itinuon ang kamay sa gilid nang istante dito sa sala. "..dahil alam mo mismo sa sarili mo kung bakit ako napagod sayo dahil binigyan mo ako nang dahilan para sukuan ka!" Unti-unti siyang naging kalmado ngunit ang galit sa mga mata niya ay hindi nawawala.
"Please babe! Mag-usap tayo!"
Tumalikod si sessai at tinungo ang hagdanan. Pagod siya at nanghihina , kita mo iyun sa bawat hakbang niya sa baitang nang hagdan at hindi na nag-abala pa na lumingon sa amin at sa mga anak niya.
"Umalis ka na!" Galit na sabi ni ate sally.
Buhat niya si clio na nakasiksik sa kanyang leeg habang si prio ay agad na tumakbo paakyat upang sundan ang mommy niya.
Nagtangka na lapitan ni gio ang bunso nilang anak pero itinulak siya ni jasper palayo. "..please! Let me talk to my wife! Aayusin ko ito! Please pare!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya nang magkasunod , napaatras siya.
"Ayusin mo muna yang sarili mo bago mo kausapin ang kaibigan namin!"
"I'm sorry.."
"Putang-ina yang sorry mo!"
"Mahal! Tama na!" Hinawakan ako ni jm sa braso at inilayo kay gio pero nanatili ang matalim na titig ko sa kanya.
"Aayusin ko ito! Pangako!"
"Kung maaayos mo pa!"
Nakangisi na sabi ni jas at agad na sumunod kay sessai sa itaas dala ang gamot sa dumudugong sugat ni sessai at ibang sugat sa katawan nito.
"Umalis ka na gio , hindi makakabuti kung ipipilit mo pa ang gusto mo!"
Kalmado na sabi ni flor.
Walang nagawa si gio kundi tanawin na lang ang pinto nang kwarto nila at halikan sa noo ang anak na bunso bago lumabas nang bahay. Hindi ko na alam kung saan na pumunta si kristel dahil wala naman akong pakialam sa mga katulad niya.
Nagtulong-tulong kami sa paglilinis nang mga nabasag na gamit. Magulo na ang sala at pati ang table na maliit sa sala ay basag na din kaya inilabas muna nila ciemar at jp. Si ate sally naman ay umakyat na din at tinutulungan si jas na gamutin ang mga sugat nito sa kamay at ibang parti nang katawan na nakuha niya sa pagwawala.
BINABASA MO ANG
PROBINSYANA (2) Ang Aking Mundo
Ficção AdolescenteNapaka-ganda nang mundo na pinili ko.