Special Chapter

288 9 3
                                    


----

ZHERLYN

"Gising ka na pala anak , naghanda na ako ng tanghalian mo!"

Sabi ni manang nang pumasok siya sa kwarto ko habang dala ang mga bed sheet at punda nang pillow ko na nilabhan niya kahapon , ngumiti lang ako kay manang at bumangon sa bed ko 'tsaka dumiretso sa banyo para maghilamos at mag-lagay lang nang powder sa face ko.

"Sigurado ka manang ayaw mo sumama sa resort? Matagal na din nung huling nakapunta ka duon diba?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang bed ko.

Pinapagalitan kasi ako ni ate kapag inaasa ko pa kay manang ang pag-aayos nang bed ko , kahit nga ang anak niya kailangan bago lumabas ng room maayos na ang bed dahil ayaw niyang sinasanay si Prio na umaasa sa ibang tao. Kaya kahit limang taon pa lang , a-akalain mo na matanda na ang kausap mo. Nakakahiya nga kapag kasama ko ang batang yun eh , lage na lang sinisita ang kaartihan ko sa katawan ko. Grabe maka-sermon!

Manang-mana kay ate sessai!

"Hindi na anak , syempre family bonding niyo yun eh. Baka kapag nakapag-trabaho ka na bilang flight attendant , mahirapan na kayong mabuo na magkakapatid kaya sige lang , enjoyin niyo lang ang bakasyon niyo duon!" Sabi ni manang at inayos naman ang mga damit ko sa cabinet ko.

"Manang ako na diyan." Sabi ko.

"Wala naman dito ang ate mo , hayaan mo na. Namimis ko na kayong pagsilbihan nang ganito!" Nakangiting sabi ni manang at pinagpatuloy ang pag-aayos nang damitan ko.

"Dapat talaga manang sumama ka para makita mo na yung bahay ko duon!"

Napangiti ako nang maalala ko yung araw na dinala ako duon ni kuya at ate , sobra ang pag-iyak ko nung time na yun kasi hindi ko inasahan na may surprise pala si kuya sa akin na bahay. Wala akong alam na ginagawa na pala ni Kuya ang dream house ko , i really love beaches kaya dream ko talaga yung house na malapit sa dagat at alam yun ni kuya kaya sobrang saya ko talaga nang malaman kong nakatayo na sa mismong harapan ko ang dream house ko.

Pinaka THE BEST na gift yun sa akin ni kuya tapos binigyan pa ako ni ate nang car bilang regalo niya sa akin kahit hindi pa naman ako nakakatapos nun sa pagiging flight attendant ko kaya sobrang happy ko talaga kasi may car na ako may house pa.

"Sige na , bumaba ka na dahil hindi ka naka-kain nang almusal kanina!"

"Dumaan ba si marcus manang?"

"Oo kanina kaso natutulog ka pa , sabi niya babalik na lang siya kapag nagising ka na. Tawagan mo daw siya , hindi ka niya pinagising kasi mukhang antok na antok ka pa daw." Paliwanag ni manang.

Lumabas ako nang room at bumaba nang hagdanan , nag text din ako kay marcus na kakain na ako. Tinatamad kasi akong tumawag , alam naman niyang tamad talaga ako sa call at text kaya madalas pinupuntahan niya ako dito sa bahay o kaya minsan nasa bahay nila ako pero hindi pumapayag si kuya na late akong umuuwi dito sa bahay kahit may sarili na silang bahay kasama si ate zab at ang kambal niyang anak na cute sobra.

Wala nga akong ibang kasama dito sa bahay kundi si manang at ang dalawang kasambahay pa namin tapos si Kuya Jolex.

Nasa kalagitnaan ako nang pagkain ko ng lunch nang biglang tumawag ang boyfriend ko , sinagot ko iyun habang umiinom nang fresh juice na alam kong si manang ang gumawa.

"Po?"

"Tumawag sa akin ang kuya mo"

"Why daw?"

"Sa bahay na lang daw tayo nila sessai dumiretso." Sabi niya sa kabilang linya.

"Okay love , maliligo lang ako. Sunduin mo na ako dito!"

PROBINSYANA (2) Ang Aking MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon