Chapter 2

112K 3.3K 7.4K
                                    

Zajei's POV

Tahimik kong pinagmamasdan si Ma'am Acozta habang nagtuturo siya sa unahan. Everybody is listening including me which is barely to happen.

She's so exquisite in teaching. Akala ko ba first timer 'to? Bakit ang galing niya atang magturo? She's good at catching our attention because of the way she teach and speak. Idagdag pa na maganda siya pero pucha, terror siya. Mas terror pa siya sa professor naming matandang dalaga.

"That's all, class dismissed."

Nakasunod ang mga mata ko sakaniya habang inaayos niya ang mga gamit hanggang sa makalabas siya ng room. Maging ang mata ng mga kaklase kong lalaki ay nasa kaniya.

"Pucha sabihin niyo kay Professor X buntisin nalang lagi ang asawa niya tapos 'wag na siyang bumalik hanggang graduation." Bulaslas ni Phineas habang nakangiting nakatingin sa nakasarado ng pinto.

Madaming sumang-ayon sa sinabi nito na ikinailing ko nalang. Basta talaga maganda nakakalimutan ng mga lalaking 'to na may mga girlfriend ang iba sakanila.

Mga unfaithful xy chromosomes.

"President ang lakas mo ha. Bakit mo nilandi si Ma'am?"

Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko when my blockmate asked me. Maging ito ay nakangiti na parang manghang mangha. Parang ngayon lang ako nila nakitang lumandi ah.

"Oh, did I flirt?" Inosenteng tanong ko na ikinaismid nilang lahat. "You've seen me flirting before right?"

"Pero hindi sa babae, Zj. . . Sa tanang buhay ko ngayon lang kita nakitang lumandi sa babae." Ferb says that made the others agree.

First time ko nga lumandi sa babae 'no tapos sa teacher ko pa. Pero hindi ba pwedeng gusto ko lang at trip trip ko lang? Ang big deal sa mga 'to ang paglandi ko ha.

"Crushyy tawag ka ni Dean sa office niya." Biglang sulpot ng president sa kabilang block.

Ang mga hinayupak kong kaklase ay biglang nagsipulan. Nakakita na naman sila nang maganda maliban sa akin kaya ganyan sila.

"Sige sunod ako, Eira." She smiled at us first before leaving. Habol na naman tuloy ng tingin ang mga kaklase namin.

"Alis na 'ko." Paalam ko sakanila bago umalis sa room. Sumunod naman sa akin si Phineas at Ferb pero humiwalay din ng daan ng makalabas kami sa building. Sa gym daw sila pupunta para sa PE namin.

Potang 'yan graduating na kami't lahat may PE pa din. Ang masama pa ay archery ang PE namin kaya tamad na tamad ako umattend. Ang basic kaya ng itinuturo sa amin ni Ma'am Lia kaya minsan hindi na ako umaattend kasi ako ang ginagawa niyang assistant.

"Come in."

I entered the Dean's office right after I hear Sir Vonny's cue. Minsan talaga ay maganda ring laging inuutusan nitong Dean na 'to dahil nagiging exempted sa isang class.

"Old man you save me---" Nabitin sa ere ang dapat ay sasabihin ko ng mapadako ang mga mata ko sa babaeng nasa harapan niya. Seryoso itong nakatingin sa akin samantalang nakasimangot naman si Sir Vauh sa itinawag ko sakaniya. "Good afternoon po."

"Maupo ka, Zajei." Maotoridad na saad ni Sir Vauh na sinunod ko naman. "I already informed Miss Lia that you won't attend her class for today because I would lend you some task."

Tumango tango ako sakaniya habang palipat-lipat ang tingin sakaniya at kay Ma'am. Panigurado, may connect kay Ma'am ang iuutos nitong si Sir.

"I want you to tour Architect Acozta around the university."

Nanlalaki ang matang tiningnan ko si Uncle na seryoso lang na nakatingin sa akin pero mukhang gusto na niyang tumawa sa reaction ko. Punyemas pinagtitripan ata ako nitong lalaking 'to.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon