Chapter 9

74.6K 3.5K 7K
                                    

Zajei's POV

"Wazzup mga tanga." Bati ko sa dalawang lalaki na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

Parehas silang nakasalampak sa damuhan dito sa likod ng Fine Arts building habang mga nakabusangot. Paano ba naman kasi, hina-hunting sila ng mga nasa marriage booth dahil andaming gustong magpakasal sakanila, take note, gays are the ones who wants to marry them.

Sexuality isn't a big deal in our university. We all respect LGBTQ pero etong dalawa ay todo ang pagtakas dahil ayaw nilang pakasalan yung magkaibigang bakla na taga-educ.

"Tangna mo naman, Zj. Bakit ikaw hindi pwedeng pakasalan?" Himutok ni Ferb.

I playfully sat in front of them before flashing a grin that made them frustrated even more.

"I am one of the booth facilitator. I am busy, assholes. Therefore, no one can marry me. . . Even the SSC president." I said while smirking na lalo nilang ikinasimangot.

Tanga kasi sila. Sinabihan ko na silang dalawa na sa marriage booth magfacilitate pero mas pinili nila sa horror booth ng Archi kaya ayan, hindi nakaligtas. Madami kasing chic na pumapasok sa horror booth kaya andoon silang dalawa dahil inuna ang kalandian. Ako naman ay sa marriage booth kasi kapag isa ako sa facilitator don, hindi ako pwedeng pakasalan.

I'm wise.

Ako pa nga ang isa sa taga-hunting kaya busog na busog na yung mga mata ko sa mga pogi kong nakikita dahil every corner of the university ay may gwapo. Open ang university ngayon from everyone. Therefore, madaming outsiders ang kasama namin ngayon.

"Help us, Jei. . . Damn! The gays who wants to marry us is our fvcking exes best friend! Do you understand it?!" Frustrated na saad ni Phin na ikinatawa ko lang ng mahina.

"So if they are not your exes' best friend, papakasalan niyo?"

"Yeah. Para matapos na 'to. Tangina. Hindi na ako nakapag-enjoy sa kakatago tapos second day palang ng foundation week." Sagot ni Ferb sabay sabunot sa sarili niyang buhok.

"Pakasalan niyo na. Just for the sake of the game. Your exes won't bother though because they are the ones who listed your name kasama noong mga kaibigan nila." I stated na ikinasinghal nila parehas.

Yan, magdusa kayo sa paghihiganti ng mga ex niyo, mga gungong.

Yung ex kasi nilang dalawa ay mag best friend din kaya ayon, pinagtripan sila using their gay friends na may gusto sakanila.

"Sige na nga." Labas sa ilong na saad nilang dalawa kaya napasipol ako at wala pang ilang minuto ay nagsisulputan na sina Eira together with the other hunters.

Nakangiting pinalagyan ni Eira ng posas ang dalawa saka umapir sa akin. Nakangisi ko namang kinuha ang cellphone ko saka sila kinuhanan ng video habang nakatingin sila sa akin with betrayals on their eyes.

"Bullshit! Sinabotahe mo kami, Montero?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Phineas na agad kong ikinailing.

Makasabotahe 'to akala mo naman ipinapatay ko sila.

"Nah. I asked for your consent na pakasalan yung dalawa diba?" Maang na tugon ko bago siya kinindatan.

"But you frame us up!"

"Hoy tangina mo ah! If I frame you up edi sana noong nakita ko palang kayo pinahuli ko na kayo agad, mga bobo!" Singhal ko sakanilang dalawa na ikinatawa ng iba naming kasama.

"You did a great job." Bulong sa akin ni Eira.

I averted my gazes at her. Kasalukuyan siyang nakangiti bago umiling at isinukbit ang braso sakin.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon