Chapter 12

79.2K 3.1K 4.2K
                                    

Zajei's POV

"I love you, too, Avey."

Tila may dumaang anghel sa pagitan naming dalawa matapos kong makapagsalita. Tanging seryosong tingin lamang ang ibinigay niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at tumikhim.

Rinig na rinig sa paligid ang kuliglig na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko dahil pakshit! Bakit ba ang landi ng punyetang bibig ko sakaniya para sabihin yung tatlong salita na yun na kahit kailan ay hindi ko sinabi sa mga naging ex boyfriends ko.

Tangina mo talaga satanas.

"Let's go." Seryosong himig niya at naramdaman kong tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tabi ko. Napatingin ako sa pigura niya na nakatalikod sa akin habang nakatitig sa maliwanag na buwan.

"Sa langit Ma'am?" I nonchalantly asked that made her look at me through her shoulder.

"I mean ano kung gusto niyo pong pumuntang langit kasama ako?" I bit my lower lip ng mapagtanto na parang mas nakakahiya ang pangalawa kong sinabi. "Ay mali, gusto niyo pong marating yung langit gamit ako----- dang!" Mahinang pagmumura ko dahil parang habang tumatagal ay mas lalong nagiging kahiya-hiya ang lumalabas sa bibig ko.

I mentally face palmed while avoiding her gazes because I can literally feel it piercing on my figure. I busy myself from looking around until I saw a glimpse of light at our side pero agad ding nawala kaya hindi ko na inisip pa. Baka alitaptap lang naman yun.

"Such a flirt." Bulong niya pero klaro ang pagkakarinig ko rito na mahina ko lamang na ikinatawa.

Maharot naman talaga ako pero ang pinagkaiba, mas malala ang kalandian ko sakaniya. Ito na ata ang epekto ng ilang buwang walang kalandian mula nang maghiwalay kami ni Kaios.

"Pero seriously Ma'am, saan tayo pupunta? Hell or heaven?" I playfully asked to mask my embarrassment due to what I've done awhile ago.

"Galaxy."

"Dalhin kita doon Ma'am. Gusto mong makakita ng star?" Nakangising saad ko saka tumayo at pumunta sa harapan niya.

"You? You want to see a star?" Mapaghamong batid niya kaya agad akong napatango. "Come closer." She whispered, just enough for me to hear. I did what she have said until I feel her skin on mine. Ang akala ko ay kung ano ang gagawin niya pero nang malapit nang magdikit ang mukha naming dalawa ay gumilid siya kaya dumiretso ang mukha ko sa puno na nasa likuran niya kanina.

Tangina.

"How many star did you see?" She asked in monotone habang nakapikit ako at hinihilot ang sentido ko na nauntog sa punong kahoy.

Damn it. Literal atang stars ang nakita ko sa ginawa niya. Umikot ang paningin ko, letse.

"Just one." Kalmadong sambit ko nang makarecover sa pagkakauntog at hinarap siya. She's just crossing her arms above her chest at tila bored na bored na nakatingin sa akin. "I just saw the Polaris."

Umarko ang kaliwang kilay niya na ikinangisi ko saka muling lumapit sakaniya at itinapat ang mukha ko sakaniya.

"How does the Polaris looks like?"

"It looks like Saviel James-Acozta. It shines the brightest in the constellation Ursa Minor itself." I played it cool pero sa loob ko ay gustong gusto ko ng sumigaw dahil sa ginawa ni Ma'am kanina but there's something that's stopping me.

I heard her hissed before averting her gazes after she gave me the eyeroll of the century. "How awful. It just shine the brightest in the constellation of Ursa Minor."

Minsan talaga hindi ko na alam paano gagamitan ng logic na banat si Ma'am kasi lagi siyang may pambara. Alam mo yun, ang hirap kaya magbasa ng theory sa Google para mag-come up sa mga ibabanat ko tapos babarahin niya lang. Porket matalino siya eh!

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon