Chapter 31

110K 3.4K 9.1K
                                    

Zajei's POV

"Oh? Really?" Mababa ang tonong tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.

Kasalukuyan kaming papasok ni Ma'am sa kakainan namin. Na-iimagine ko na nga agad ang mga reaction ng mga kasama namin dahil kami ang naunang umalis kanina tapos kami ang nahuli.

How did I know? Nakita ko na kasi ang mga sasakyan nila sa parking lot kanina.

[Yup, ate. Kaya make sure na makakapunta ka sa Monday kasi holiday pa naman 'yon.]

I'm currently talking to Azreel dahil ibinabalita nila sa akin ni Azlen na na-adjust daw yung birthday ng Daddy nila. Napagdesisyunan nalang daw kasi nila na mag-bakasyon sa ibang bansa for this weekend at sa Monday nalang itutuloy ang party. They actually invited me but I declined dahil siguradong id-ditch ko lang din sila if ever.

"I'll see what I can do, Azreel. Marami akong gagawin." Ayoko talagang pumunta sa party na sinasabi nila.

Tch. If I know may family pictures na naman na magaganap. Ayaw ko no'n. Hindi ko alam kung saan ako belong.

Sigurado kasi akong pupunta rin ang pamilya ni Daddy. Kapag nagkataon 'yon, my ghad, baka maging anghel ako bigla sa bait ko lalo na kapag nakita ko si Tyrant.

*Insert sarcasm.

I heard their sighs at the other line bago ako magpaalam na ibababa na ang tawag. Ako na mismo ang nag-end ng call saka binalingan ang babaeng kasama ko.

Kanina pa talaga ako namumula kapag napupunta ang tingin ko sakaniya. Eh kasi naman, napaamin ako bigla. That's so impromptu! She caught me off guard, halata naman.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong nito habang nakalabi naman akong naglalakad sa tabi n'ya. "Stop pouting. You're not cute."

"Lah, edi wow." I mumbled before secretly rolling my eyes. "Malamang hindi ako cute kasi maganda ako. . . Makasabi na hindi ako kyut akala mo naman hindi n'ya ako crus---"

"Are you saying something?" Putol nito sa mga binubulong-bulong ko. Alam kong narinig n'ya ang mga pinagsasabi ko but she chose not to brag it more.

"Oo Ma'am may sinasabi ako." I looked at her before a lopsided smile formed on my lips. "Sabi ko, ang ganda mo."

Her eyes became emotionless at parang ipinaparating sa akin na wala s'yang balak makipag-lokohan sa akin.

"You, too. Ang ganda mo." My eyes squinted in joy at kulang nalang ay tumalon ako rito because she complimented me--- "Ang ganda mong ipakain sa pating."

I playfully send her death glares but she just rolled her eyes at nauna nang maglakad sa akin kaya agad ko s'yang hinabol.

"Mas maganda akong kainin Ma'am lalo na kung ikaw ang gagawa!" I screamed in a hush nang magtapat kaming dalawa. I saw that she was stunned sa sinabi ko hanggang sa unti unting namula ang magkabilang pisnge nito.

A seductive grin painted on my lips hanggang sa umatras ako at tumakbo papunta sa mga nag-iintay naming kasama.

Ayaw kong masapak ni Ma'am. Baka kung anong magawa noon sa'kin if ever.

"Akala namin hindi kayo makakarating. Saan ba kayo nagsuot at ang tagal n'yo ni Sav?" Agarang tanong ni Miss Lia nang makalapit ako sa table nila.

May mga nakaserve na sa harap nila at nagluluto na sila but they are not eating yet. Halatang inaantay nila kami.

"May dinaanan lang kami, Ma'am." I smirk at them ng padalhan nila ako ng mga nanunuring tingin.

"Saan?"

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon