Chapter 16

80.1K 3.3K 5.7K
                                    

Zajei's POV

Kroo kroo~

Tila may dumadaang anghel sa loob ng sasakyan dahil sa sobrang tahimik dito. Parang tangang nagmamaneho lang naman kasi ako at hindi mapigilang sulyapan ang babaeng tulog sa passenger seat matapos namin magpalit ng pwesto.

I am not yet recovered due to what she have said. It literally caught me off guard. Dumb shit!

"You'll drive, and I'll ride."

Sandaling napapikit ako at napakagat ng ibabang labi dahil hindi ko nagugustuhan ang mga imaheng lumabas sa aking isipan. Iba ang dulot na kahulugan sa akin ng sinabi niya kanina kaya hindi ko mapigilang sulyapan siya na mahimbing ang tulog. She looks so peaceful with that angelic face when she's sleeping pero kapag gising siya ay daig pa ang lalamon ng tao sa sobrang seryoso.

Pero akalain mo 'yon, alam pala ni Ma'am yung mga pa-drive drive and ride na 'yon to think na mukha siyang inosenteng tigre---- pero sabagay, nabuo nga nila nang asawa niya si Shan hindi ba?

Mas lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa ibabang labi ko when my eyes landed on her luscious lips. It looks like. . . it's seducing me. Her lips are so kissable kaya siguro ang swerte ng asawa niya dahil ano mang oras ay pupwede niyang halikan si Ma'am.

Sanaol may asawang mukhang unggoy tapos marine navy na nagngangalang Seth Ion Acozta. Sanaol pero not sanaol.

Hindi ko kailanman hihilingin na magkaroon ng asawang tulad niya dahil bukod sa hindi ko siya type, mukha rin siyang aswang na hinog.

I startled for a bit nang biglang may malakas na bumusina kaya napatingin muli ako sa harapan only to see na hindi na pala naka-red ang stoplight. I started to drive again and in one swift move, I maneuver the car to the Zioure Village. Napahinga pa ako ng malalim habang papalit sa main gate dahil ngayon na lang ulit ako pupunta dito.

I take a glance of the tiger beside me na himbing na himbing sa tulog kaya mas lalo akong napabuntong hininga. Nakalimutan ko kasing sabihin sakaniya na yung village lang nila ang alam ko pero hindi ang exact location ng bahay niya. Ghad, nakakakonsenya pa naman kung gigisingin ko ang magandang katulad ko.

At last, I've decided to drive near the main gate and roll the window down saka ngumiti ng alanganin.

"Good afternoon Miss?. . . Are you one of the residence of this village?" Magalang na tanong ng isang guard kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko.

As what I've said, matagal na akong hindi pumupunta rito kaya hindi ko alam kung taga-rito pa ba ako o hindi na. Alam ko pa namang bihira sila nagpapapasok kapag hindi taga-rito dahil sa higpit ng security nila. Bago ka makapasok ay ang dami pang tanong na ibabato sayo. Magfifill up ka pa ng form tapos kailangan mo pang magpapicture. Kulang na nga lang magdala ka ng placard para magmukha kang preso.

"Uh Miss? Can I know your name? Bawal kasing pumasok ngayon ang hindi taga-rito because the co-owner lock it down." Muling tanong ni Manong guard kaya nabaling ulit yung atensyon ko sakaniya. Kumunot pa ang noo ko sa sinabi niyang nilock down daw 'to? Bakit may paganon?

They're now deciding without my consent, huh. The last time I checked is I still do accept their emails regarding their plans ahead of time because my signature should be included but now? I didn't receive any kind of MEMO.

Ayokong makialam pero hindi naman tama na hindi ako updated.

I sighed.

"Zajei. Zajei Montero po."

"Teka lang po ha---" hindi na natapos pa ang dapat sasabihin niya ng biglang may sumilip sa bintana na tila hindi makapaniwala base sa ekspresyon niya sa mukha.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon