Chapter 32

102K 3.6K 12.3K
                                    

-------

A:N: Saka na ang BS HAHAHAHAHHA. Bawi ako next time<3

-------

Zajei's POV

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ilagay ang lipstick sa labi ko.

I take a glance of myself at the mirror in front of me before forming a sly smile on my lips.

I look gorgeous as ever.

I chose to have a classy make up because this is a formal party. There's no way in this Earth that I'll let myself look dumb in front of many people.

I apply some perfume before getting my purse. Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko sa whole size mirror bago buksan ang pintuan na kanina pa ata sinisira ni Uncle Vonny.

"Ang tagal mo." Reklamo nito bago ako alalayan. I just chuckled and clung my arm at him. "You looked good. May pinaghahandaan ka ba?" He teased while we're going down the stairs.

"Wala. Issue ka." Tanggi ko bago ngumiti.

Hindi n'ya pwedeng malaman na bet ko si Ma'am at s'ya yung dahilan kung bakit nag-effort ako masyado. Dzuh! Baka mawalan ng trabaho si Ma'am knowing that Uncle is our Dean kahit na may hinala ako na hindi naman n'ya gagawin ang ikakapahamak ni Mommy Sav. Mukha kasing close sila.

Hindi na kami nagdala ng sasakyan ni Uncle dahil nagpahatid nalang kami sa driver. Monday na ngayon kaya may party sa Zioure.

Of course, doon nila gaganapin 'yon dahil bukod sila ang namamahala do'n, that's where the most elegant party hall is.

"Buti sumama ka." Uncle Vauh says out of a sudden while we're in the middle of the road.

Tumango lamang ako bilang sagot saka muling huminga ng malalim.

Hindi naman talaga ako dapat sasama kaso si Ma'am, eh. Pupunta s'ya kaya gusto ko ring pumunta. Hindi naman n'ya sinabi sa'kin na I should go too pero noong tinanong ko s'ya if totoo ngang aattend s'ya, she said yes. Personal na binigyan pala s'ya ng invitation nina Mommy kaya kailangan daw n'yang pumunta.

Kung hindi lang pupunta si Ma'am edi sana nakahiga lang ako ngayon sa bed ko.

Upon thinking of her, muli kong naalala yung nangyari last Saturday night. About sa race namin na natalo ako, hindi ko pa rin matanggap ang bagay na 'yon.

I mean, alam kong dinaya ako ni Ma'am! Gusto n'ya lang akong patungan eh.

Charot.

Hindi naman n'ya specifically sinabi kung saan n'ya gusto maging dominant pero yung dating kasi sa akin no'n ay iba kasi yung isip ko masyadong mabait.

Kung alam ko lang na matatalo ako edi sana hindi na ako lumaban sakan'ya. Tangina hindi ko matanggap na magiging bottom ako!

Paano na yung motto in life ko na, 'stay dominant'?! Ano nalang ang mangyayari do'n?

Hihingi ako ng rematch! Hindi pwedeng s'ya ang dominant sa aming dalawa.

Pero ang problema kasi, ayaw n'ya na ng rematch noong pinilit ko s'ya. Sabi n'ya ang weak ko raw magpatakbo ng sasakyan kaya ayaw na raw n'ya. As if I know takot lang 'yon matalo ko.

Tch.

Masarap kaya akong pumatong!

Hindi ko pa naman 'yon nakikita kanina kasi busy raw s'ya. Kahapon kasi pagkahatid ko sakan'ya sa bahay ng sea creature n'yang asawa para sunduin si Shan ay umalis na agad ako kasi pinapatawag na ako sa bahay nina Lolo.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon