Chapter 34

98.5K 3.3K 6.8K
                                    

Zajei's POV

"That car," Rage pointed one car at our back na kanina pa namin napapansin na sumusunod. "Sa ex mo 'yon."

Kami lang dalawa ang magkasama habang iniikot ang city para mapansin namin kung sino ang susunod sa amin and yeah, he's right. Tatlo ang nakasunod sa amin ngayon.

"The one who's riding a motorbike, ayun ang sinasabi mong unidentified?" Paninigurado ko na tinanguan n'ya lang.

"The last one is the latest. S'ya yung dumagdag."

I smirked devilishly bago ko iliko ang sasakyan sa isang bakanteng lote. This is way too far from the city kaya sigurado akong pwede kaming magpatayan dito if they insisted.

"Wag kang bababa. I can handle this." Bilin ko kay Rage habang kinukuha sa isang secret compartment ang isang baseball bat at isang pistol.

"Wag mong papatayin, Zj." He warned but I just arched my eyebrow.

"Why not?"

"Makukulong ka. Just torture the hell out of 'em pero 'wag kang papatay." I chuckled before getting out of my car.

I made sure na naka-lock 'yon para hindi s'ya makalabas basta basta. I don't want him to get involved with this shit dahil masyadong mataas ang pangalang iniingatan n'ya lalo na sa US.

Prenteng naglakad ako while putting my black mask on. Inilabas ko rin ang isang maliit na swiss knife ko at pinaglaruan sa aking kamay. I smirk when I saw one of the car na sinasabi ni Rage na gamit noong halos pumatay sa butler n'ya.

Ang tapang naman.

Hindi man lang nagtago, eh. Yung dalawa namang nakasunod sa amin kanina ay hindi ko na makita pa.

Mabilis kong itinarak sa gulong ng kotse ang isang kutsilyo bago ko hinampas ng baseball bat ang bintana ng backseat.

"Oh, shit."

"Baba." I commanded to the two person inside the car. At first, they hesitated pero nang ikasa ko ang baril na dala ko ay agaran silang bumaba sa kotse.

Matamang nakasandal lang ako sa kotseng basag basag ang bintana habang iwinawasiwas ko sa ere ang hawak na baseball bat. "Gusto n'yong maglaro?" Tila inosenteng tanong ko na ikinalunok nila.

I slowly walked towards them habang sila naman ay parang natuod na sa kinatatayuan dahil hindi sila makagalaw.

Ang lalaki ng katawan nila. Halatang mga alaga sa gym dahil sa mga braso nila pero ang papanget naman. Kung ito lang naman ang mga stalker ko, jusko, para akong makikipaglaban sa mga higanteng ipis.

"Wag kang lalapit." Banta noong nakasando na black while getting his gun. Isang nakakalokong ngisi ang pinakawalan ko kahit hindi naman nila nakikita ang aking labi. Tanging mata ko lang ang nakikita nila.

"You want to play baril barilan?" I asked playfully habang iwinawagayway sa isa kong kamay ang pistol na hawak ko.

Isang putok ko lang dito paniguradong hospital ang bagsak ng mga punyetang ipis na 'to.

"Pre, pagsawaan muna natin. Ang ganda oh. Katawan palang, masarap na." Bulong noong naka-leather jacket na ikinaismid ko.

Feeling gwapo eh mas maganda pa daliri ko sa paa kesa sa kaniya na mukhang pinaglihi sa bulldog.

"Pare baka patayin tayo--"

"Talagang papatayin ko kayo." Naningkit ang mga mata ko nang humugot ang boy number 1, yung nakasando, ng kutsilyo.

"Babae kalang." They mocked but I just shrugged and point my gun with silencer sa binti niya. Agad kong kinalabit ang gatilyo kasabay ng pagbagsak nito sa sahig.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon