Chapter 29

106K 3.6K 12.9K
                                    

Zajei's POV

"I like you, Ma'am. . . Gusto kita."

She stared at me for a minute or two which made me gulped and laugh awkwardly.

"I mean, gusto kitang mas makasama. You know, I'm enjoying your company kasi minsan lang ako maka-encounter ng kasing ganda ko." Her eyes fixed on mine kaya sunod sunod na paglunok ang ginawa ko bago dahan dahang inilayo ang mukha sakaniya. "Gusto kita, gustong gusto kita makasama."

Hanggang maganda ako, gusto kong makasama siya kasi pang-habang-buhay ang gandang tinataglay ko.

"Are you drunk?" Taliwas sa inaasahan kong tanong nito. Sandali pa akong napamaang pero umiling din ako makalipas ang ilang segundo. "You taste like vodka that's why I thought that you're drunk."

"And so? What if I'm drunk?"

Mataman ako nitong pinagmamasdan bago bumaba ang mga mata nito sa labi ko. I lick my lower lip before a seductive grin formed on my lips.

"You're getting out of your mind when you are drunk. Baka mamaya ay hindi mo na naman maalala ang mga sinasabi at ginagawa mo. I'm just making sure, Zajei." She shrugged and remove my hands at her waist kaya ipinatong ko nalang ito sa may sinasandalan niya, slightly cornering her.

"I'm not drunk. I'm hundred percent sure that I won't. . . I won't forget this moment." Bulong ko sa tenga niya before I gently sniff her feminine scent. "Believe me when I say I like you--I mean I like to be with you because I meant it." Puno ng sinseridad na batid ko pero naramdaman ko na lamang ang mabibigat niyang paghinga.

"Okay." Malamig na saad niya bago ako itulak sa balikat. Umalis ako sa pagkakaupo sa kandungan niya bago pasimpleng bumuntong hininga.

Akala ko kaya ko nang magconfess, prank lang pala.

Geez, kinakabahan kaya ako. Paano kung masira ko yung pamilya nila dahil lang sa nalaman niya na mahal ko siya di'ba? Paano na si Shan? Paano yung bata?

I've been there wherein I felt like I can't even trust my whole family dahil sa ginawang pang-iiwan ng magulang ko sa akin at ayaw ko namang maranasan iyon ni Shanen. That kid is too precious for me.

Mabibigat ang bawat hiningang ginawa ko nang makalabas siya ng sasakyan matapos niyang kuhanin yung grocery niya. Ilang sandali pa akong nakatulala sa nakasaradong gate niya bago napagpasyahang umalis.

I was about to leave the village by going to the exit gates pero agad akong hinarang ng isang guards. Kunot noo akong nagbaba ng bintana pero agad itong nawala nang makita ko ang pangamba sa mukha noong guard.

"Good afternoon, Miss Loure. Pinapasabi lang po ni Ma'am Zeah na pumunta raw po kayo sa bahay nila bago kayo umalis." Halos mautal-utal na bigkas ni Kuyang Guard.

"Why?"

"Hindi ko po alam. Napag-utusan lang po ako." Tumango na lamang ako sa sinagot niya at agad pinasibad ang kotse ko sa bahay nina Mommy.

Iba na ang bahay nila. Hindi sila doon tumira sa bahay namin dati dahil nagpagawa sila ng bago. Yung bahay naming tinirahan dati ay pina-demolish na because that lot is own by my grandparents and supposed to be mine. Doon ako magpapatayo ng bahay if ever.

Medyo malayo ang bahay nina Mommy dahil nasa may dulo iyon. Ilang street din ang layo noon sa bahay ni Ma'am.

Hindi ko na inayos ang pagkakaparada ng sasakyan ko sa tapat ng bahay nila matapos akong papasukin ng guard. Well, aalis din naman agad ako rito.

"Ateee!" My eyes suddenly sparkles when I heard that cute girly voice.

I thought she's in US?

"Azlen." Nakangiting bati ko sa pinakabata kong kapatid at agad siyang sinalubong ng yakap. She kissed my cheeks before giggling and hug me tighter.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon