Chapter 42

101K 2.8K 8.8K
                                    

Zajei's POV

"Buti naman at hindi kana tatanga-tanga."

"Mas tanga ka, putangina." Walang ganang pagmumura ko matapos ilagay sa likuran ang aking baril.

Imbis mainis s'ya sa pagmumura ko ay ngumisi lamang ito at naglakad patungo sa isang kubo?

How come I didn't notice na may kubo pala dito?

"Have a seat." He motioned a wooden bench before he nod his head and looked around the area. Hindi na sana ako uupo pa dahil aalis din naman ako agad pagkatapos kunin ang gusto ko ng bigla itong maglabas ng pistol.

Tila naalarma ang buong sistema ko at kukuhanin na sana ang itinago kong baril kanina nang itaas nito ang kamay n'ya at sumenyas na umupo ako.

Labag sa loob ng ibinagsak ko ang sarili sa upuan bago s'ya tingnan ng masama.

"Why are you stalking me?" Diretsahang tanong ko pero kumunot lamang ang noo nito at walang emosyong nakatingin sa akin. Hanggang ngayon ay nakasandal lamang ito sa may pinto at nakakrus ang mga braso sa dibdib.

"You're asking me that when in fact, you're the one who come after me here."

Oo nga naman.

Ang tanga ko sa part na 'yon.

Pero imbis na ipahalata ang reaksyon ko sa sinabi n'ya, mas pinili ko na lamang magtiim bagang at tumikhim. I don't have any time to tolerate his bullshits.

"You're one of the people who wants to kill me." I stated at mapang-asar na tumawa. I am confidently looked at his eyes before my jaw clenched.

Ang isa sa pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang niloloko ako.

"Alam mo naman pala, bakit hindi mo na agad ako ipinapatay?" Mala-demonyong ngumisi ito ngunit wala pa ring emosyon na mababatid sakan'yang mga mata. "You can easily assassinate me but you didn't do. Why was that?"

I went silent.

Because somehow I know, I treated him as a friend. I treat them all as a special person who made my life lively.

In a short span of time na nakilala ko s'ya, alam ko sa sarili ko na may iba sakan'ya. Pero hindi ko itatanggi na itinuring ko s'yang kaibigan kagaya ng pagtingin ko sa kambal at kay Kaios.

"Answer me, Montero. Bakit hindi mo nalang kami ipapatay tutal mayaman ka, makapangyarihan. You can do whatever you want kaya nga hindi kana nahirapan na malaman kung sino-sino kami hindi ba?" He chuckled without any hint of happiness but I can hear amazement and coldness in it. "Nang umuwi ang abogado mong kaibigan, alam na namin na hindi magiging madali ang pagkilos ng bawat isa sa'min. Kung noon mahirap kang sundan, mas naging mahirap ngayon. Your security tightened at maging ang mga nasa paligid mo ay sinigurado mong safe at hindi malalagay sa piligro pero Zajei," he stood tall and straight looked into my eyes. Isang nakakakilabot na ngisi ang pinakawalan nito na mahina kong ikinasinghap. ". . .mga maling tao ang pinoprotektahan mo."

I rolled my eyes and maintain my cold aura the same as his but deep inside, my heart is pounding hard.

"Noong natanggap mo ang death threat, hindi ba't ayun ang oras na tumawag ka ng ibang koneksyon para mapadali ang paghahanap sa mga sumusunod at nagtatangka sa buhay mo?" He shooked his head in amazement. "Feisty. I really like how you treat Atty. Reagan Ventura as your brother but the moment you saw the threat, you used your other connections and forget how can he gives you what you want in just a snap. Looks like your trust got deducted." Tumawa ito na walang kahit anong kasiyahan bago naglakad papalapit sa akin.

Hindi ako makagalaw. Tila nauupos ako sa aking kinauupuan dahil tinatamaan ako sa mga sinasabi n'ya.

"You're monitoring me that much to the point that you knew that I did that thing." I said in monotone at ngumisi.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon