Chapter 27

102K 3.2K 9.2K
                                    

------

Zajei Loure Montero above.
Ctto.

------

Zajei's POV

"Pakshit talaga." I mumbled habang tinatahak ang daan papuntang kitchen ng unit ko.

Bwisit talaga ang mga kumag. Agang aga andito na agad sa condo. Ang sarap sarap ng tulog ko kanina tapos bigla na lamang dumagan sakin si Sven at sinabing magprepare na ako for school.

Mga panira ang mga gago.

"Grabe namang pagkakabusangot 'yan, Zajei. Parang ayaw mong andito kami, ah."

"Talagang ayaw." Madiin at mabilis na sagot ko matapos umupo sa isang bar stool. "At saka kung pwede ba, magdoorbell nalang kayo kung pupunta kayo rito. Huwag ninyong sirain ang doorknob ko." Himutok ko pa dahil nakakailang pagawa na ako ng doorknob this month dahil sinisira nila kapag hindi agad ako nakakapunta sa pintuan para pagbuksan sila.

Hindi naman sa maluwag ang security dito sa condo building, talagang mga may sira lang sa utak ang mga kaibigan ko. Actually, mahirap makapasok dito sa vicinity pero kilala na kasi ang kambal dito dahil nasa visitors list ko sila.

Naiisip ko na ngang ipa-ban sila oras na manira na naman sila ng doorknob.

"Why didn't you tell us that you were sick? Saan ka nabasa ng ulan?" Tanong ni Phineas makalipas ang ilang minuto.

"Trip ko lang and besides, who told you?" I have this idea that Yuki is the one who told them but I want to make it sure.

"Si Yuki. She chatted me last night na nasa hospital ka nga raw. We were about to visit you pero nadischarge ka rin naman daw agad kagabi." It's still Phineas who answered but what gets my attention is Sven that's now glaring at her food habang mahigpit ang pagkakahawak sa kutsara.

"Sven?" Tawag ko pero hindi ito kumibo. Nagtatakang tiningnan namin ito ng kambal dahil parang wala itong naririnig.

Ferb tapped her shoulder saka sinigawan sa tenga. "Ay shit Yuki!"

"Wait, what did you say?" Nakakunot ang noo na tanong ko dahil pangalan ni Yuki ang isinigaw niya eh wala naman dito ang pinsan ko.

Maging ang kambal ay natigilan lalo na si Phineas na kanina lamang ay maganang kumakain.

"Wala."

"You said Yuki's name right?" Seryosong tanong ni Phin ngunit naging mailap lamang ang mata ni Sven. "Do you like her, Sven?"

Hindi sumagot ang huli bagkus ay uminom lamang ito ng kape. She remains silent such as the three of us not until Ferb cleared his throat and opened a new topic.

Nagtataka talaga ako sa ikinikilos ni Sven. Hanggang sa makarating kasi kami sa university ay lutang na lutang siya. I want to confront her pero hindi ko naman magawa because she might need space.

I don't want to invade someone's space excluding my asawa. Syempre maharot ako kay Ma'am kaya walang space space na magaganap.

"Good morning." Here she is.

A smile automatically formed in my lips the moment she entered our room. Seryoso na naman siya at walang mababakas na kung anong emosyon sa mga mata maliban sa pagiging professional.

With that sleek high ponytail of hers, she looks really expensive that you would feel scared to lay even a single finger.

Etong si Ma'am masyadong nagpaganda. Ako lang naman ang rason kung bakit siya nagpapaganda kaya well appreciated ang paghahanda niya.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon