Chapter 20

86.4K 3.1K 6.9K
                                    

Zajei's POV

"Hey no running!" Sigaw ko nang may biglang pumasok na humahangos. Nakabantay kasi ako sa may main door ng building namin dahil bored na bored ako sa room.

Masyado kasing maaga yung dating ko kaya heto, wala pa akong kasama sa room namin sa first subject. 9:00 am pa ang start ng class ko pero alas-otso palang ay pumasok na ako.

Tangina naman kasi, wala akong tulog mula pa kagabi. Pagkahatid kasi sa akin ni Ma'am ay hindi na napawi ang ngiti sa labi ko hanggang makahiga ako sa bed. Pangiti-ngiti lang ako kagabi habang iniistalk siya hanggang sa hindi ko namalayan na umaga na pala.

Punyeta. Dati ay napupuyat ako dahil sa panonood at paglalaro ng mga online games pero ngayon ay dahil na sakanya. Nakakabobo pa kasi hindi siya mawala sa isip ko kagabi, sana ay nakatulog 'yong si Ma'am.

"Hoy, Sven!" Tawag ko kay reindeer na hinihingal sa tapat ko. "Pengeng wanhandred para hindi kita bigyan ng guidance slip."

I mentally smirk when she look up, brows furrowed, while I was just standing in front of her at nakalahad ang kanang kamay.

"Why? Ang aga mo namang mamburaot."

"Because you just disobeyed one of the university rule." I said with authority, well, I'm just trying to be serious para naman kunwari ay ginagampanan ko talaga ang responsibility ko as one of the Architecture executive officer. "So, if you don't want to have a not so good background in the guidance office, give me what I want." I cross my arms and wait for her to speak dahil nakatanga lang siya sa harapan ko habang hawak ang panyo niya.

"Walanghiya. Officer ka?!" Hindi makapaniwalang tanong niya na ikinataas ng kaliwang kilay ko.

"Malamang."

"Ang kurakot mo naman." She murmured that made me frown. Aktong magsasalita ako ng takpan niya ang bibig ko. "Shhh! Don't speak. . . I can't give you a wanhandredddd but I can give you something."

"Ano?" I asked ng matanggal ko ang kamay niya sa bibig ko. "Tarantado ka ang dugyot mo. Baka kung saan mo inihawak 'yang kamay mo ha." Maarteng pahayag ko pero halos sabay lang kaming umirap sa isa't isa bago niya ako hinila papalabas ng building.

"Ang arte mo. Sa tae ko lang naman inihawak 'yong kamay ko---"

"Oh, yung sarili mo ba ang hinawakan mo? Mukha kang tae, gurl." Nakangising putol ko sakaniya pero hinampas niya lang ako at hinila papuntang cafeteria.

Makahila naman ang babaeng 'to akala mo naman mawawala ako, eh.

"Libre mo 'ko." I demand.

"Kapal naman ng mukha mo, Saje."

"I know right, Shet." I wiggle my eyebrows pero agad akong napatigil ng samaan niya ako ng tingin.

"Shet?"

"Shete. My own restatement from the Spanish word, siete, which means seven. Ang witty ko, 'di ba?"

"Deputang utak at bibig 'yan. Yung totoo? Hilig mo bang gawan lahat ng taong nakikilala mo nang mga nicknames?" She irritatingly says that made me smirk. She glared at me pero mas ngumisi lamang ako at humalumbaba sa harap niya. "From Sven to Reindeer then to Pito and now, Shet? Ano ba talaga, Saje?"

I let out a small chuckles ng tila stress na stress siyang napahilamos ng mukha niya.

Ano bang masama sa mga itinatawag ko sakaniya?

"Why? Do you have problem with that?"

"Oo!"

"Mamroblema ka lang. Keri mo 'yan." Mas lalo akong humalakhak ng habulin ako ng kamay niya para hampasin pero agad akong umiwas at lumipat ng mas malayong upuan sakaniya. "Dami mong say. Ano bang gusto mong itawag ko sayo? Ali? Mosh? Loml? Moo? Or. . ." Pambibitin ko saka ngumiti ng nakakaakit.

I've Been ExecutedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon