Problem

93 7 0
                                    

"Sis may problema ba?" tanong na nag-aalala ni Eda sa akin.

"Kaya nga sis? tahimik ka." Sabi naman ni Eda.

"Sabog ka ngayon, paano ka makakahanap ng fafa?" Sabi naman ni Micah.

"Micah." suway ni Annie sa pinsan niya.

"Pinapatawa ko lang kayo masyado kayong seryoso. May problema ka ba sis?" Sabi ni Micah.

"Wag kayong mag-alala, I'm okay." sabi ko sa kanila sabay ngiti.

"Sigurado ka ah? May date ako una na ko sanyo. Bye mga sis. Uso kasi magpadilig ayaw niyo?" pakikipagbiro pa ni Micah bago itinuro ako sa mga pinsan nya at umalis.

"Susunduin ako ni Jadin, sa Condo kami uuwi.Una na rin ako sainyo." pagpapa-alam naman ni Annie sa amin. Tinapik niya ang balikat ko bago umalis.

Tatlo nalang kaming naiiwan sa ilalim ng mangga. May mga studante pang hindi nakakauwi at nagtatakbuhan, alas dose palang, halfday kami tuwing biyernes dahil sa sabathday.

"Problema mo?" tanong nanaman ni Eda. Alam talaga nilang may problema ako.

"Bat hindi pa kayo uuwi?" pag-iiba ko sa tanong ni Eda.

"Paano kami uuwi? kung ang kaibigan namin may problema." Sabi naman ni Jai.

Sa layo ng tingin ko hindi ko namalayang tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko nalng ang mahigpit na yakap ng magpinsan.

"Ang sakit... ang... sakit...sakit..." sabi ko habang humihikbi.

"Shhh taha na." alo ni Eda sa akin at parang papa-iyak na rin.

"Andito kami sis. Andito palagi." sabi naman ni Jai

"Ang buong... akala ko... tanggap na ni lola...ang buong akala ko... maeenjoy ko ang pagiging kabataan ko...magagaya rin pala ako kay Annie." sabi ko at tumawa sa huli.

Huminga ng malalim si Jai bago nag-salita. "Kanino ka ipapakasal?" tanong ni Jai.

Alam na talaga nila hindi naman lingid sa mga kaibigan ko ang tradisyong nakasanayan na ng pamilya ko.

"Hindi ko alam... hindi ko...kilala..." pagsabi ko sa kanila habang humihikbi.

"Edi tara enjoyin natin pagiging dalaga!" aya ni Eda.

"huh? paano?" tanong ko.

"Tara! Jai san ka nag-park?" Sabi ni Eda.

"San punta natin?" tanong ni Jai habang sumasakay kami ni Eda sa likod.

"7/11" mahinang sabi ni Eda.

"huh? anong gagawin natin dun kakain?" natatawang sabi ni Jai.

"Bibili ng alak. Inom tayo sa condo mo." sagot ni Eda.

"Wow interesting!" manghang-mangha na sabi ni Jai.

"Ano Marie?" tanong sakin ni Eda.

"Tara" sagot kung di man lang pinag-isipan.

Ganun nga ang ginawa namin. Si Jai ang bumili ng alak at pumunta na rin kami sa Condo nila Jai at Micah. Wala pa si Micah sa condo nila nag-enjoy na ata. I already texted Papa and I said that I'll sleep at Jai's condo at pumayag naman siya.

Nandito kami ngayon sa sala nila Jai kung saan pagbukas ng pinto sala ka-agad.

"Ako na nga! hindi naman ganiyan eh! Egno lang Eda?!" Pakikipagtalo ni Jai.

"Oo ngayon lang ako magbubukas ng ganiyan eh kabado pa!" pagsasagot naman ni Eda.

"Tama ba toh?" tanong ko sa kanila.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now