Can't Balance

38 3 0
                                    

"When, madame?" I asked.

"3 months from now. It's my daughter birthday, she's turning four. At sa apat na taong wala ka, kailangan mong bumawi!" Micah said.

"Sa pamamagitan ng ano?" Tanong ko.

"Your Restaurant, dapat my discount kami. Pamangkin mo naman si Mich ah. Ninang ka pa! hindi ka nun dumalo sa binyag niya!" Sabi ni Micah.

"Paano ako dadalo? Nasa Canada ako, remember?" Sabi ko.

Tumawa si Micah. "Ang sabihin mo! may ayaw kang makita! pero may nasagap ako kay Eda. Binato mo siya ng stapler! Magkakatrabaho kayo?"

Kahit kailan talaga si Eda chismosa. Nasabi niya na pala sa mga kaibigan namin.

Sasagutin ko na sana siya ngunit biglang tumunog ang cellphone ko.

"Wait, I'll just answer this." Sabi ko at tumayo.

Unowned Number

"Hello? Good afternoon, Ms. Mariella Mon speaking."

"Hay salamat sumagot ka! Ms. Mon andito ako sa hospital." Sabi ni Tim.

"So?"

"Tinakbo ko si Engineer Rao, dito. Nahihilo daw eh tapos muntik ng matumba kanina!" Pagsusumbong ni Tim sa akin.

Agad kung naalala ang ginawa ko! "Okay Engineer, tell me where are you, so I can go there." Sabi kung kabado na at agad na tinakbo ang susi ng kotse ko.

Sinabi ni Tim sa akin kung saang hospital, nagpaalam na rin ako kay Micah na saglit lang dahil may Emergency.

Buti nalang at nasa Sison branch ako ng restaurant ko, dahil Sison rin ang hospital na sinabi ni Tim. It's almost three days! may ganun naman talaga, late reaction. Gash Marie! think positive!

Tumakbo agad ako at bumungad sa akin si Tim.

"How is he, Engineer?" I ask in nervous.

He smirk that make me swallow and act normal.

"Nasa loob pa siya, Ms. Mon." Sagot niyang nakangisi parin.

Papasok na sana ako para masigurado ang kalagayan ni Rao ngunit natigilan ako dahil natanaw ko ang babaeng naka-uniform ng teacher, she's crying. She approach Tim.

"Kamusta siya, Tim? Kamusta si Rao?" Umiiyak na tanong niya.

"Ma'am Crisanta, nasa loob pa siya." Sagot naman ni Tim sa kaniya.

Of course Marie, she's crying because that's her husband! God! Marie, what did you do!? Nagpaiyak ka ng teacher.

Pumasok na sa loob si ma'am Crisanta na umiiyak parin.

"Uh Tim, balitaan mo nalang ako. Uh, i-charge mo nalang sa akin lahat ng gastos." Sabi ko bago umalis.

"San ka pupunta?" Tanong ni Tim, nslilito.

"Saglit lang ako, ikaw nalang bahala dito." Sagot ko at umalis na.

She's crying because she love Rao, natural! asawa niya yun eh. Instead of going back to the Restaurant, namiss ko ang school ko dati kaya maganda atang umikot. Tutal andito naman na ako sulitin ko na.

I'm wearing a peach formal dress and a white high heel stilltoe with my black bag.

Ang huling apak ko lang ata dito ay nung umalis akong umiiyak. Funny, huh? graduation ko pa nun. Umiiyak ako sa lalakeng hindi naman pala para sa akin.

I'm amazed, dahil andaming nagbago! halos lahat ng building nagbago. Magaling kasi ang Engineer na gumawa.

Sa sobrang titig at pagkamangha ko, hindi ko nakita ang inaapakan ko. I close my eyes, ready to feel the pain in my back.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now