Cake

51 1 0
                                    

Hindi nga talaga ako nakatulog nang maayos nung gabing yun, pero nagpatuloy parin ako sa trabaho. Ang akala ko cold parin kami ni Rao pero kinakausap niya naman na ako paminsan-minsan.

Nagpatuloy ang mga araw ko na office, restaurant, office, restaurant. Natatapos na rin namin ni Rao ang mga design para sa bahay dahil malapit na namin itong i-present.

Kahit pa minsan-minsan mali na ang ginagawa ko, hindi ako sinukuan ni Engineer. Andiyan siya para turuan ako at tulungan ako. At habang tumatagal minamahal ko siyang lubusan, nahuhulog nanaman ba ako sayo? Oo, dahil minamahal ko nanaman siya.

Mariella tumigil ka! Mali! Mali! Maling mahulog ka ulit sa kaniya. Maling mahalin mo ulit siya.

"Engineer, abot ba?" Tanong ko dahil sa susunod na naming I-prepresent ang gawa namin.

"Kaya, Marie. We can do it. By God's grace." Sabi niya at kinindatan pa ako sa huli.

"Okay" Nasabi ko nalang sa pagpipigil ng tawa at bago pinagpatuloy ang ginagawa.

Bigla akong napahikab hudyat na inaantok na ako. Halos tatlong araw na rin kaming maghapon na mag-kasama ni Engineer. Nine to Four sa office ko, Four to Ten naman dito sa Restaurant.

"Sleepy?" He ask.

"I think, yes." Natatawang sagot ko.

"Okay then, let's go home so you can take sleep and rest." Engineer said.

"Huh? sigurado Engineer? kaya ba itong matapos bukas?" Nag-aalalang tanong ko.

"We can, Marie. For now, you need to rest." Sabi ni Engineer at pumayag din ako dahil inaantok na talaga ako.

Nag-paalam kami ni Engineer sa isa't isa bago umuwi.

Patay umuulan wala akong payong. Nahuli nanaman ako, talagang dito ako sa labas mag-papark. No choice, nilusob ko nalang ang ulan, tutal maliligo rin naman ako. Bago ako pumasok nagpatuyo muna ako ng saglit para walang pumatak na tubig sa dadaanan ko.

Pumunta na akong kwarto nang bigla akong nilamig, agad naman akong naligo. Habang pinupunasan ko ang basa kung buhok, iba ang pakiramdam ko, feeling ko sisipunin ako bukas.

Nang napatuyo ko na ang buhok ko, nagdasal muna ako bago natulog.

"Anak, gumising ka na dyan! pupunta na kaming bukid, wala kang kasama dito, pumasok na ang manang Rain mo." Rinig kung sabi ni Mommy sa labas.

Gusto ko man imulat ang mga mata ko ngunit parang ang hirap gawin, parang ang bigat ng pakiramdam ko at ang init ko.

Nagising nalang ako ng may naramdaman akong kamay na dumapo sa noo ko. Pagmulat ko nakita ko si Rao.

"How's your feeling?" He asked in a husky voice.

I can't answer him because my throat hurt. Dahan-dahan akong umupo kahit na ang bigat ng ulo ko at nahihilo ako agad naman akong inalalayan ni Rao.

I grab my phone to see what's time is it now, and ohmygod! its eleven fourty seven am now!

"Engineer, I'm sorry." Walang boses na sabi ko.

"It's okay Marie, for now just rest. You better eat now, so you can take your medicine." Rao said while holding a bowl of soup.

"Ako na, Engineer." Sabi kung nanghihina.

"Say Aaa." Rao said, I let a deep breath and do what he want.

He blow the soup first before I eat. Bakit nga ba andito si Engineer? Hala yung designs! dapat matapos na namin ngayon yun, dahil bukas na namin I-prepresent.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now