Special Chapter

64 4 0
                                    

Hello my sissy's! Dahil isang taong mahigit na ang TIWIPF at namimiss ko na rin naman sina Ptr-Engr. Rao and Mariella, I decided to do a special chapter. By the way guys also read my new story's: Love Will Remember (Complete, taguan ng anak si Skye), True Love Always Wins (Completed). Thank you mga sissy! Laham ko kayo😚💚 Don't forget to pray everyday because believe me or not God always listening. God bless as all, padayon mga kapatid!


"Mrs. Rios, I have the result. Don't be shock please," The Doctor said.

I was silently praying and singing a worship song right now. Nanlalamig na ang kamay ko, namamawis na rin dahil sa kaba.

Napatingin ako sa katabi kong si Eda, hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin, kaya napangiti ako bago bumaling sa Doctor na may kunting ngiti, nakakakaba ang ngiti nya, hindi ba pweding ngumiti sya ng buo?

Kabadong kabado ako kanina. Nasa kuwarto ako namin ni Rao, sa bagong bahay namin. Umalis si Rao dahil kailangan siya sa office, samantalang ako sa bahay nalang o kaya sa mga restaurant ko.

I entered our comfort room when I feel the blood flowing at me. Maybe it's my period, kaya ganto karami. Late na rin naman ang period ko. I was about to wash when my tummy hurts, I rebuke it while I'm still in the cr.

Ayaw talaga umalis ng sakit at ang pagdudugo ko ay huminto na, kinabahan ako. Inayos ko muna ang sarili ko, umupo ako sa kama at nakaramdam ng pagkahilo. Inabot ko ang selpon kung nasa side table.

Kailan ko ng kasama, hindi ko na kaya. Hindi pwedi si Rao dahil kailangan sya sa office. Nasa shoot si Jai, malapit naman na ang buwanan ni Annie. Si Micah, may Mich siyang kailangang alagaan. Si Eda. Busy naman ang mga pinsan ko, si Eda nalang talaga, kahit naman nasa office yun wala ring ginagawa dahil ayaw pagpatrabahoin ni Ethan.

"Oh sis! napatawag ka?" Bungad ni Eda sa akin.

"Eda, tulungan mo ako," Nanghihinang saad ko, nakapikit pa dahil nahihilo.

"Huh? bakit?! anong tulungan?!"

"I think I'm going to pass out Eda, please help me." Saad kung nagsusumamo na dahil pagimumulat ko ang mata ko, nandidilim ang paningin ko.

"Huh? anong pass out? huwag mo nga akong pinagloloko Mrs. Rios!" Saad ni Eda sa akin. "Hoy Engineer! Asawa mo nababaliw!" Rinig ko namang saad nya sa kabilang linya.

"What?" I heard Rao said from the other line.

"Pass out daw, kailangan ng tulong. Lasing ba ito na magpapass out?" Walang kuwentang saad ni Eda.

"Give me your phone, Eda and let me talk to my wife." Ani ni Rao.

"Hey, what's wrong my love?"

"R-rao... nahihilo ako, ang sakit rin ng tyan ko..." Nanghihinang saad ko.

"Okay, wait me there. I'm going home." Rao said in finality.

"H-huh? y-you have a work," I said.

"No. I can leave that, wait me there love." Rao said.

"Hoy! Sama ako!" Rinig ko pang saad ni Eda.

Pinapakalma ko ang sarili ko habang hinihintay si Rao, nagdadasal at kumakanta na ako ng worship song upang mapanatag ang sarili ko. Ano ba ang nangyayare sa akin?

Nakaramdam ulit ako ng paglabas nang dugo sa akin kaya napatayo akong bigla. Sa pagtayo ko naman ay bigla akong nahilo na siyang dahilan kung bakit matutumba na sana ako ngunit agad kung naramdaman ang pagpulupot ng matigas na kamay sa akin.

"O Jesus Christ," Rinig ko pang bulong ni Rao.

Minulat ko ang isa kung mata at tumingin kay Rao, "Thank you," Bulong ko.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now