Hello po again! Thank you so much for reading my story😭 pinagdadasal ko lang na may bumasa sa story ko tapos ngayon answered prayer na dahil may nagbabasa na (proof po na God is good talaga) anyway there is a scenarios na bigla-bigla nalang pumapasok sa isip ko, gusto kung gumawa ulit ng another story to publish but I can't because I need to focus on my study. That's why I just decided to write it in a short way, which is this special chapter. Si Manang Rain naisip kung character, parehas kasi sila ng personality. Hope you enjoy reading, thank you again and God bless!
Ezra Rain Mon Ramos and Nehemiah Shem Vuena, short story.
Rain POV
"Isang magandang hapon sa pinaka maganda kung kaibigan!" Bungad ni Carmen sa akin, pagbukas nya ng pinto.
Napairap ako, "Kanina pa ako nag-dodoorbell, ngayon mo lang binuksan ang pinto, alin ang maganda dun? Syempre alam kung ako."
Sasagot pa sana si Carmen ngunit pumasok na ako sa unit nya. Dumeritso naman ako sa sofa at pabagsak na nilagay ang bag at librong makakapal sa kabilang sofa. Napatingin ako sa coffee table, nakita ko ang dalawang laptop at dalawang tablet dun.
Napangisi ako at umupo ng maayos. "Sigurado ka na bang papasa?"
"Napakasama ng bibig mong babaeta ka!" Ani ni Carmen na nagpatawa sakin. "Eh kung ibalik ko sayo yung tanong mo ha?!"
"Masasagot ko agad ng OO, di hamak naman na mas matalino sya kesa kay Drake." Nakakalokang saad ko.
"Masama na nga, bastos pa ang bibig!" Anis na saad ni Carmen na tinawanan ko lang.
"Ang ingay mo talaga kahit kailan Carmen ano? rinig na rinig magmula sa kusina yang bunganga mo," Saad naman ni Tonet na kagagaling lang ng kusina, bago bumaling sa akin. "Andito ka na pala,"
"Wala pa, hindi ba obvious?" Saad ko at umirap.
Aambaan na saka ako ni Tonet ng batok ngunit napatigil sya ng narinig ang doorbell.
"Aaahhh! andyan na sila!!!" Nagtatalong saad ni Carmen bago pumunta sa pinto upang buksan.
"Congratulations!" Rinig ko ang excitement sa boses ni Carmen.
"Hindi pa naman sigurado mahal," Ani ni Drake sa mahal nyang si Carmen.
"Ano ka ba? Siguradong-sigurado na yun, ikaw pa mahal!" Ngiting saad ni Carmen.
Kinalabit naman ako ni Tonet at inginuso nya si Shem na mukang pagod na pagod dahil suot nya ang kaniyang eyeglasses. Umirap ako at agad namulot ng isang libro na dala ko.
"Ay..." Saad ni Tonet ng naintindihan ang nais kung sabihin.
Nasa libro parin ang atensyon ko ng maramdaman ko na ang presensya ni Shem sa tabi ko. Hindi ako nag-angat ng tingin sakaniya, rinig ko ang malakas at malalim nyang buntong hininga.
"Advance congrats to the both of you! kung hindi pasado edi congrats parin," Ani ni Tonet at kinuha na ang bag nya. "Nakaluto nako, mauuna na ako at may lakad pa kami ng sugar daddy ko."
Nagflying kiss si Tonet kaya tinignan ko sya ng nakakasuka, kaya naman tinawanan lang nila akong lahat maliban kay Shem.
Yung dalawang nagmamahalan nalang ang nagiingay dito sa unit magmula ng umalis si Tonet. Tumunog ang selpon ko kaya napatingin si Shem sa akin ng blanko. Tinignan ko rin sya ng blanko bago binalingan ang selpon ko.
Tonet:
Hoy babae! narelease na yung results.
Inirapan ko ang selpon ko bago ko narinig ang pagtitili ni Carmen.
YOU ARE READING
This Is What I'm Praying For
RomanceMariella P. Mon was a girl who always dream about. She trusted God, she always trusted by God's will. Pero may minsang napasuko siya tama nga ba ang ginawa niya o mali.