Medal

39 2 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw na wala nang paramdam si Rao, huli na lang ay yung comment niya. Ito naman ang gusto ko diba na tigilan niya na ako kasi ayaw ko ng gulo. Pero ansakit, ansakit isipin na wala ng mga sweet message niya na bubungad sa akin tuwing umaga. Wala ng magsasabing maganda ako, wala ng mag-iing-courage sa akin na dapat kailangan kung mag-patuloy para sa pangarap ko. Wala na yung taong sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na kahit kailan di ko naramdaman sa pamilya ko.

"Congratulations, anak! oh bakit parang ang lungkot mo? di ka ba masaya na gragraduate ka na mamaya? Gra-graduate na ang anak ko." Maluhang sabi ni Papa.

Di ko man lang namalayang pumasok pala siya dito sa kwarto ko dahil nakatulala lang ako sa harap ng salamin ko.

"Salamat pa. Congrats din sayo, kasi kung hindi dahil sayo, hindi ako gra-graduate, salamat papa sa lahat, I love you." Naluluhang sabi ko narin at hinalikan siya sa pisnge bago niyakap siyang mahigpit.

"Anak, ako dapat ang magpasalamat dahil hindi ka sumuko, hindi mo ako sinukuan, mahal na mahal rin kita anak ko..." Sabi ni Papa na umiiyak na ata.

"Papa naman eh! wag ganiyan! pinapaiyak mo na ako ngayon, dapat mamaya pa kasi sayang make up ko." Sabi ko at agad na pinunasan ang luha sa mata ko para di kumalat.

Sabay kaming nag-tawanan ni Papa.

"Tama na yan. Hinihintay na kayo sa baba." Sabi ni Mommy.

"Sige Manang, anak una na ako sa baba." Paalam ni papa at tinanguan ko lang siya.

"Congratulations, anak ko." Masayang sabi ni mommy at niyakap ako.

"Salamat Mommy ko!" Sabi ko at niyakap ko siya pabalik.

"Tara na, hinihintay na tayo nila lola mo." Sabi ni mommy at bumaba na kami.

Nagulat ako ng halos lahat ay andun. "Congratulations, Marie!" masayang bati nila sa akin.

"Hala! Thank you po!" Naiiyak nanamang sabi ko.

"Tara na baka mahuli ka pa." Sabi ni Papa.

"Si Manong Lito, excited." Pang-aasar ni Uncle Fren kay Papa.

"Oo naman! ito na yun Fren!" Masayang sabi ni Papa.

"O siya! tama na yan, tara na upang makita ko pa ang apo kung ima-march-tiya." Pang-iiba ni lolo.

"Nasa school na si Jadin, kasama si Annie." Sabi ni Auntie Kc.

"Ang aga naman nila." Natatawang sabi ko bago pumasok sa Van.

Dalawang Van ang dala namin kaming mag-pipinsan ang nasa isa at ang mga matatanda naman ang nasa kabila.

"Sis! aahhh! I can't believe, Graduation na natin ngayon!" Bungad ni Eda sa akin.

"Congrats sis!" Masayang sabi ko sa kaniya.

"Congrats din sayo! Summa cum laude." Sabi ni Eda.

Sinenyasan ko lang siyang wag maingay dahil baka marinig siya ng pamilya ko eh hindi nila alam, dahil wala rin naman sa kanila yun.

Sumenyas si Manang Rain sa akin na may nahanap na silang upuan kaya dun na ang punta nila.

"Tara! punta tayo kila Micah at Jai!" Sabi ni Eda at agad akong hinila.

Hindi pa kami nakakarating kila Micah, natanaw ko na agad ang mama ni Rao na kausap ang lola ko! I can't believe lola! kilala mo siya?! muka nga, hindi lang mukang magkakilala kundi parang kilalang kilala nila ang isa't isa dahil ang close nila!

Napansin ata ni Eda ang pagtigil ko at nakatingin lang ako sa dalawang matandang babae na nag-uusap.

"Ay sis halika na pala! umpisa na, paupo na rin sila." Sabi ni Eda at hinila ako papunta sa uupuan namin.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now