"Anak, gumagaling ka atang magluto ah?" tanong ni mommy.
"Haynako! tita pasta lang naman niluto ni Marie, eh." natatawang sabi ni Jai.
"Huh? hindi ikaw ang nagluto eh sino!? wag mong sabihing ikaw Jai!" sabat ni Eda.
Tinawagan siya kanina ni Jai at sabing pupunta kaming hospital at saktong gusto niya ring sumama kaya sinundo namin siya.
"Oo ako." tatawa-tawang sabi ni Jai.
Tumawa ng malakas si Eda "Hindi ako naniniwala. Mamamatay ata muna ako bago ko matitikman ang luto mong perfect."
"Wala kang kwentang pinsan." sabi ni Jai at masama ang tingin kay Eda.
"Tumigil na nga kayong mag-pinsan, sa harap pa talaga ng mommy ko." suway ko sa kanila dahil aapat lang kami dito.
Nang kakarating palang namin nag-paalam na si Manang Rain na may kikitain siyang cliyente saglit.
"Eh, sino nga nagluto?" pangungulit ni Eda.
"Bakit kailangan mo pang malaman? kumain ka nalang!" sabi naman ni Jai.
"Sis, sino?" tanong ni Eda sa akin.
"Si Rao." bulong ko sa kaniya.
"Ah, si Rao, alam mo bang ipagluluto ka lang nun pag-especial ka sa kaniya?" sabi ni Eda habang may laman pa ang bunganga. Lumaki ang mata niya ng marealize niya kung sino ang sinabi kung pangalan.
"Si Rao!? yung Pastor?! yung Engineer!? isa sa Engineer ng school natin!? yung! yung pinsan ko?!" sabi ni Eda at tumango lang kami ni Jai.
"Siya ang nagluto neto!? paano? hindi ako naniniwalang! dahil kay Jai!" sabi ni Eda.
"May hindi ako nalalaman?" tanong ni mommy sa amin.
"Hindi lang ikaw tita, pati ako. Ni hindi ko nga alam kung saan niluto ni Rao ito eh!" sagot ni Eda.
"Alam mo Eda napakaOA mo, promise walang halong biro." sabi ni Jai at sabay irap.
"Marie, si Rao si Engineer yun diba? kaibigan ng mga pinsan mo. Siya ang kasama mo kahapon dito, diba?" sabi ni mommy.
"Opo mommy, ang balak ko po sana ipagluluto ko siya kasu nung idrain ko na yung pasta na paso ho ako, kaya siya nalang ho ang nagtuloy." pagpapaliwanag ko.
"Ah, kaya pala, kilala ko ang lahat ng luto mo. Iba ang lasa ng carbonara ngayon." sagot ni mommy at saktong dumating na si Manang Rain.
"Ako na ang bahala kay mama girls, Salamat." bungad ni Manang Rain sa amin. "Kayo nalang ang bahala kay Marie." sabi ni Manang, alam atang magpapaiwan ako.
Wala na akong nagawa at isa pa mangungulit lang si mommy. Lumapit ako kay mommy at humalik sa kaniya upang tanda ng pagpapaalam ko.
"Magiingat kayo ha." sabi ni mommy
"Oo naman po tita!" sabi ng dalawang magpinsan.
"Mi, Nang, una na kami." paalam ko at tinangoan lang nila ako.
"Tita, pagaling ka na ah? Ipinag-prepray ko po totally healing niyo. Mauna na po kami." paalam ni Eda.
"Tita, wag kayong mag-alala kaming bahala kay Marie, bastat magpagaling ka." sabi naman ni Jai.
Nagulat ako ng bigla akong hilain ng magpinsan ng makalabas na kami. Hinila nila ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng sasakyan ni Jai.
"Ano ba?!" sabi ko at bawi sa kamay ko.
"Ikaw umamin ka nga sa amin?" sabi ni Eda, at pinagsingkitan nila akong magpinsan na mata.
"Anong aaminin ko?" tanong ko sa dalawa.
YOU ARE READING
This Is What I'm Praying For
RomanceMariella P. Mon was a girl who always dream about. She trusted God, she always trusted by God's will. Pero may minsang napasuko siya tama nga ba ang ginawa niya o mali.