Hello mga sissy! So bale last na itong chapter na ito. Thank you for reading my story mah friends! Mahal ko kayo❤️ Hanggang sa muli, sana nagustuhan niyo ang story kung ito kahit na pangit😁 Loveyou all! Stay safe and sound. Always trust and pray to God. ( Guys, walang forever pero kay God meron!)
" Anong gagawin niyo sa akin!?" Sigaw kung kabado na dahil may humarang na Van sa sasakyan ko.
Papunta na akong airport kasi mamaya na ang flight ko pero hinarang nila ako. May dalawang lalakeng naka bonet ang nanguha sa akin bali apat silang lahat. Sinubukan kung tumakas sa kanila pero agad nilang tinaliaan ang mga mata ko at ang mga kamay ko.
" Ano ba!? san niyo ba ako dadalhin?! may flight ako! malalate na ako sa flight ko! kung pera ang kailangan niyo? sabihin niyo sa akin, kung magkano. Ibibigay ko." Ilang beses akong nagsisigaw at nagmamakaawang pakawalan ako pero parang wala silang pinapakinggan.
Hanggang sa napagod na akong sumisigaw kaya nanahimik nalang ako at nagdasal nang tahimik.
Ano ba ang kailangan nila sa akin? Nagulat ako nang biglang huminto ang sasakyan pero hindi parin nila ako ibinababa.
" Ano? kamusta?" Rinig kung sabi nang pamilyar na boses.
" Penny, ano pa bang kailangan mo sa akin?" Naiiyak na sabi ko.
Rinig ko ang tawa ni Penny. " Nicewan Mariella, agad mo akong nakilala."
" Penny aalis na nga ako, hindi ba? at yun ang gusto mo. Ano pa ba ang kailangan kung gawin para patawarin mo ako!?" Sabi ko at naiiyak na ulit.
" Nagbago ang isip ko. Takpan niyo nga bibig niyan ang ingay!" Utos niya at ginawa nga nila bago naramdamang umandar nanaman ang Van.
Umiiyak na akong nagdadasal dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin sa akin ni Penny. Lord kayo na po ang bahala sa akin, ang importante po wag niyong pababayaan ang pamilya at mga kaibigan ko.
Sa subrang takot at iyak, hindi ko na malayang nakatulog na ako. Nagising nalang ako nang naramdamang huminto na ang sasakyan at kumakalam na ang sikmura ko.
Nagising ako sa maliwanag na kwarto napa-upo ako sa gulat. Wala na ang gapos sa kamay at bunganga ko.
" Hi, Marie! eat your lunch now I know you're hungry." Nakangiting sabi ni Penny.
Sasabihin ko sanang ano ang kailangan niya sa akin kasu bigla nalang siyang lumabas. Sa gutom ko kahit na ayaw kong kumain, nagawa ko paring kumain.
Hindi ko alam kung anong oras na pero, ang sabi ni Penny lunch, ibig sabihin tanghali na! mamayang alas tres ang flight ko. Patay na! hindi na ako aabot neto.
Ano ba ang plano sa akin ni Penny? Siya naman ang may gusto na umalis ako. Anong gagawin ko? Bahala na, kung papatayin ako, edi mamamatay.
Natapos na akong kumain at patuloy lang ako sa pagdadasal na wag pababayaan ni God ang aking mga pamilya at kaibigan.
It's okay if my life will take a risk, just don't my family and friends. I accept now if Penny will kill me.
Humanda na ako nang biglang nag-bukas ang pinto.
" Marie, please change your clothes so you can look representable." Ani ni Penny at nilapag sa kama ang isang off shoulder dress, white color ang top niya at ang sa skirt naman ay black. May square sandal din siyang iniwan na kulay black.
Umalis siya nang hindi ko pinapansin, kinuha ko nalang ang damit at nagpalit, katulad nga nang sinabi niya look representable sa aking pagkamatay.
Nakapagbihis na ako at hinintay ko nalang ulit siyang bumalik. Mas natakot ako nang ang mga lalake na ang kumuha sa akin. Katulad kanina tinali nila ang mata, bunganga at kamay ko.
YOU ARE READING
This Is What I'm Praying For
RomanceMariella P. Mon was a girl who always dream about. She trusted God, she always trusted by God's will. Pero may minsang napasuko siya tama nga ba ang ginawa niya o mali.