"Bakit ganyan itsura niyan?" Rinig kung tanong ni Onur.
Nakatulala lang ako at iniisip ang nangyare buong maghapon, una nakita ko ang pamilyang masisira ko pag hindi ko tinigil ang nararamdaman ko kay Rao, pangalawa isang iglap bye,bye 58,000! Pero mas iniisip ko talaga ngayon ay ang anak ni Rao. May sakit siya, tapos aagawin ko palang naman ang papa niya sa mama niya? Napakamali talaga Mariella kaya dapat, tumigil ka.
"Sweetie, do you have a problem?" Tanong ni Ethan.
"Tahimik ka ata ngayon?" Ani ni Teo.
"May problema?" Saad naman ni Jadin.
Dahan-dahan akong napabaling sa mga pinsan ko at tinignan sila ng walang emosyon. Narinig ko nalang ang malakas na tawa ng mga kaibigan ko.
"May problema talaga siya!" Tawang tawa si Eda.
"What?" Sabaysabay na tanong ng mga lalake pati na rin sila Tim at Rao.
"Na-Scam siya!" Saad ni Annie.
"Huh?" Litong saad ni Jadin.
" Nabutas ATM niya!" Natatawang sabi ni Eda.
"Okay lang yan sis, dibale wala ka ng utang kay Mich." Natatawang sabi ni Micah.
"At nag-enjoy tayo." Nakangiting sabi ni Jai.
Kayo ang nag-enjoy, hindi ako!" Sabi ko.
"So guys, please puntahan niyo po ang mga Restaurant ni Mariella, andito po kami ngayon sa Sison branch ng Precious Created by God. Meron po dito sa Sison at Rosario, abangan niyo nalang po ang ibang branch. In short mga Jairah's pumunta kayo dito para mabawi niya yung pinang-grocery namin kanina." Sabi ni Jai sa vlog niya.
"Ano bang nangyare?" Sabi ni Rao at umupo sa tabi ko.
"Ansakit ng ulo ko sa inyo, teka nga!" Sabi ko at tumayo para makapunta sa kitchen.
Pumunta akong kitchen para ayusin at pakalmahin ang sarili ko. Kumuha ako ng sarili kung maiinom.
"Ma'am, ayus lang po ba kayo?" Tanong ng chief kung si Menard sa akin.
Kababata ko siya, pero hindi tulad ni James na close kami. Cold kasi siya kakausapin ka lang kung may tinatanong o may tatanongin sayo, kaya nga nagulat ako dahil tinatanong niya ako ngayon.
"Yeah, ayos lang ako." Sagot ko at tinanguan niya lang ako bago bumalik sa trabaho niya.
Rinig ko ang sinabi sa kaniya ng Co-chief niya. "Ano? bakit mo iniwan?"
"Ang sabi mo tanongin ko lang kung ayos siya, sinagot niya ako ng ayos lang siya, kaya ayos lang naman siya." Ani ni Menard na narinig ko naman.
"Kahit kailan talaga, ang tino mong kausap."
Umalis nalang ako sa kitchen dahil ang alam ko mapapakalma ko ang sarili ko dito pero, ewan ko kung maiinis o matatawa ako sa mga chief ko.
Lumabas ako at ipinilig ko ang ulo ko sa kotse ko, looking at the star's and moon.
"What is your problem, huh?" Hindi na ako nagulat dahil alam ko nang sinundan niya ako kanina.
"Ikaw." Sagot ko.
"Huh, why? did I do wrong?" Rao said panic.
I chuckle and stand straight. "I mean, ikaw may problema ka ba?"
Pinagmasdan akong kunot noo ni Rao. "I don't have a problem, but it seems like you have."
Wala raw problema, ayus nang tatay na tuh ah? Walang problema, nasa hospital ang anak! Ayus mo ah, hindi ba yun problema!?
YOU ARE READING
This Is What I'm Praying For
RomanceMariella P. Mon was a girl who always dream about. She trusted God, she always trusted by God's will. Pero may minsang napasuko siya tama nga ba ang ginawa niya o mali.