Truth

41 2 0
                                    

It's almost one week since the last day I saw him. I damn miss him. Pwedi bang ibalik ang dati nang sa ganun hindi ko siya nakilala o hindi ko nakilala ang mama niya?

Nag-paalam ako sa Pamilya kong dito muna ako kila Micah, pinayagan naman nila ako at hindi na rin sila nagtanong pag-kauwi ko nun, galing sa puntod ni mama, na laking pasasalamat ko, pati si lola hindi rin nagtanong.

"Ugh, ayaw ko na! miss na miss ko na siya! sa kaniya lang ako nabaliw nang ganto!" Sabi kung umiiyak na.

Agad naman akong dinaluhan ng mag-pipinsan sina Eda, Jai, at Micah, wala nanaman sa amin si Annie dahil may bakasyon sila ni Jadin.

"Tama na, sis." Alo ni Eda sa akin.

Pinapatahan lang nila ako sa pag-iiyak nang bigla akong tumayo at tumakbo palabas sa Condo nila.

"Sis, san ka pupunta?" Rinig kung sabi ng magpipinsan.

Tumakbo ako papuntang elevator at pinindut ang floor 24. Tuloy parin ang luha ko hanggang sa bumukas na ang elevator hudyat na nandito na ako.

Pupunta ako sa Unit ni Rao, hihingi ako ng tawad at makiki-usap na pwedi pa ba? Hindi ko alam paano sisimulan pero, bahala na. Mahal niya naman ako, diba?

Hindi pa ako tuluyang nasa tapat ng Unit ni Rao, nakita ko na si Rao at si Ma'am Crisanta anak ni Ma'am Lacsamana. Nag-hahalikan sila.

Gusto ko silang paghiwalayin pero wala akong lakas na gawin yun dahil wala naman akong karapatan, ito naman ang gusto ko diba? Baka si Ma'am Crisanta ang mapapangasawa niya Marie, remember what Mrs. Lacsamana told. My chest getting heavy, pain.

Instead of going back to Jai's condo I run to the Unit how many years I'm afraid to go. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at kumatok ako sa pintuang dapat hindi ko kinakatok. Galit ako aaminin ko, kaya nga ayaw ko silang kausapin, eh. Dahil galit ako sa kanila, galit na galit.

"Sino, Marie?" Bungad ni Jacob sa akin makikita ko ang gulat at saya sa mata niya.

"What happened?" Nag-aalalang tanong niya ng ayaw tumigil ng luha ko.

"Love, who's that?" Tanong ni Tessa.

"Omygod! Marie! what happened to you? Jacob bakit hindi mo siya pinapasok agad! halika Marie pasok ka! upo ka muna dyan, kukuha lang ako ng tubig mo." Sunod-sunod na sabi ni Tessa ng nakita ako.

"Marie, what happened?" Tanong ulit ni Jacob sa akin ng naka-upo na kami.

Magsasalita na sana ako at hihingi ng tawad sa kanila dahil ilang taon akong nagtanim ng galit sa kanila.

"Marie, ito tubig inom ka muna oh." Sabi ni Tessa at inabut sa akin ang isang baso ng tubig.

"Bakit ka umiiyak, dahil ba sa bruha mong lola?" Tessa

"Tessa." Suway ni Jacob.

"Bakit totoo naman ah! mag-mula dumating tayo dito galing Canada lagi niyang pinagdadamot sa atin si Marie, naalala mo Marie nung may binigay na bulaklak ang kuya Jacob mo sayo sa school kaso, nagalit kaibigan mo. Balak sana naming sunduin ka nun pero hinarang nanaman ng bruha mong lola! tapos sinubukan kitang puntahan sa school mo pero ayaw nila akong papasukin tapos hinintay kita sa labas ang akala ko pupunta ka sa akin dahil tumakbo ka pero sumakay ka sa kotse, sinundan ko yun sakto dito rin ang punta, gustong gusto kitang yakapin at kamustahin pero mukang takot na takot ka sa akin, hihilain na nga sana kita para makapag-usap tayo." Natatawang sabi pa ni Tessa.

"Kaso may kasama ka si Engineer Rios, nakakahiya naman. Naalala mo rin nun, Jacob nung huling nakasama natin si Marie, nung sabay kaming nahulog sa yatch na sinasakyan natin. Ang akala namin Marie, patay ka na nun, dahil hindi ka namin mahanap.... halos dalawang linggo rin kaming naghanap sayo... hindi tumigil sila lolo't lola na naghanap sayo. Nababaliw na kaming naghahanap sayo nun tapos nabalitaan namin nasa hospital ka na pala natutulog, halos mabaliw kaming nag-aalala at naghahanap sayo... kaso di man lang sinabi ng bruhang matandang yun na nahanap ka na pala nila!" Pagkwekwento ni Tessa at humagulgol na siya.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now